MULING iginiit ng China ang kanilang “indisputable sovereignty” sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, sa kabila nang pag-alma ng Pilipinas hinggil sa pinakabagong insidente sa bahagi ng Scarborough Shoal.
Una nang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Emmanuel Bautista na pinagtabuyan ng Chinese coast guard ang ilang Filipino fishermen gamit ang kanilang “water cannon”.
Pero ayon kay Chinese defense ministry spokesperson Hua Chunying, bahagi lamang ng routine patrols sa inaangking teritoryo ang ginawa ng kanilang maritime surveillance fleet.
Maalala na simula noong Enero, nagpatupad nang mas mahigpit na panuntunan ang China laban sa mga Filipino fishermen matapos ipatupad ang bagong fishing regulations sa itinatag na Hainan municipal government sa area.
Sa ilalim ng bagong batas, ang lahat ng mga foreign fishing vessels ay kailangang kumuha muna ng permisyo sa Chinese authorities bago makapangisda sa lugar.
Kamakailan lamang, naiulat din ang panibagong deployment ng Chinese vessels sa Ayungin Shoal na bahagi ng Kalayaan Group of Islands.
Maalala na noong nakaraang taon, tumagal ng ilang buwan ang standoff sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal makaraang nag-deploy ng barko ang China sa pinag-aagawang teritoryo na humantong sa paghain ng diplomatic protest ng Pilipinas.
The post China idinepensa ang Panatag Shoal incident appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment