MULING naramdaman ang malamig na temperatura sa Metro Manila kaninang umaga, matapos bumagsak sa 19 degrees Celsius.
Ayon kay Alvin Pura ng PAGASA, naitala ito kaninang madaling-araw sa Science Garden sa lungsod ng Quezon.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa mga nakaraang araw na 19.5-19.7 degrees Celsius.
Sa lungsod ng Baguio naman ay umaabot sa 13 degrees Celsius ang temperatura.
Paliwanag ng PAGASA, dulot ito ng muling pag-ihip ng malakas na northeast monsoon o hanging amihan.
Inaasahang tatagal ang amihan hanggang sa huling bahagi ng Pebrero.
The post Temperatura sa Metro Manila, bumaba uli sa 19°C appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment