Monday, February 24, 2014

Estudyante pinatay sa JS prom sa Masbate

PATAY ang 24–anyos na estudyante nang barilin ng ‘di pa kilalang lalaki habang nasa Junior/Senior prom sa Brgy. Cagbagtang, Cataingan Masbate.


Hindi pa rin makapaniwala ang mga kamag-anak na kinilalang si Jomie Masarque, 4th year high school at residente ng naturang bayan.


Nabatid sa ulat na habang nagbibihis ang biktima para sa presentasyon nito sa programa nang dumating ang isang lalaki na armado ng mataas na kalibre ng baril.


Nasa gilid ng stage ang biktima nang pagbabarilin ng suspek hanggang sa matumba.


Sinubukan pang dalhin sa pagamutan si Masarque subalit idineklara na itong dead on arrival.


Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na motibo at posibleng pagkakakilanlan ng suspek.


The post Estudyante pinatay sa JS prom sa Masbate appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Estudyante pinatay sa JS prom sa Masbate


No comments:

Post a Comment