Sunday, February 2, 2014

Nagpanggap na pulis, arestado sa Pasay

KALABOSO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis sa Pasay City.


Kinilala ni Pasay Police Chief Sr. Supt. Florencio Ortilla ang suspek na si Zaldy Dionela, 35.


Dagdag ng hepe, nagsasagawa sila ng checkpoint sa bahagi ng FB Harrison at Manahan nang makita ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklong walang plaka at kapwa walang helmet.


Agad na nagpakilalang pulis si Dionela at nagpakita pa ng PNP ID habang ang angkas naman nito ay kinilalang PO2 Chistian Hado, na nakatalaga sa Camp Crame.


Inimbestigahan ng mga pulis si Dionela matapos maberipikang peke ang ID nito habang nakumpirma naman na lehitimong pulis si Hado matapos dumating ang mga kaanak nito bitbit ang ID nito.


Narekober naman kay Dionela ang replika ng isang kalibre .45-mm na baril bagama’t hindi pa tukoy kung saan ito ginagamit ng suspek.


Nahaharap sa kasong usurpation of authority at paglabag sa batas-trapiko ang mga suspek.


The post Nagpanggap na pulis, arestado sa Pasay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nagpanggap na pulis, arestado sa Pasay


No comments:

Post a Comment