KUMANA ng tres sa home stretch si Beau Belga upang itarak ang 88-83 panalo ng Rain or Shine Elasto Painters laban sa Petron Blaze Boosters sa Game 4 ng PLDT myDSL-PBA Philippine Cup semifinal showdown kagabi.
Nasa unahan ang RoS 84-82 ng isalpak ni Belga ang pandiin na tres sa bandang gilid may 1:57 minuto na lang sa fourth quarter.
Isang panalo na lang ang kailangan ng tropa ni RoS head coach Yeng Guiao para sumampa sa Finals kung saan ay makakalaban nila ang mananalo sa Barangay Ginebra Gin Kings at San Mig Coffee.
Tinanghal na best player si Ryan Araña matapos magtala ng 12 points at dalawang steals.
Kapit ng Elasto Painter ang limang puntos na abante sa payoff period, 78-73 ng bumira ang Boosters ng 9-3 mula sa three-point play ni sophomore June Mar Fajardo para itabla ang iskor sa 82 may 5:50 minuto sa orasan.
Maganda ang panimula ng Boosters sa tip off ng umarangkada agad sila 16-6 sa tinikadang four-point play ni Alex Cabagnot mula sa foul ni E-painter forward Jervy Cruz.
Subalit bumira ng 7-0 run ang Rain or Shine at saka inunti-unti ang paghahabol upang makuha ang lamang sa first canto, 33-28.
Nagsanib puwersa naman sa opensa sina center Fajardo at forward Lassiter upang makuha ng Petron ang manibela sa halftime, 50-48.
Bumanat ng 13 puntos si 6-foot-10 Fajardo, 10 points si Luts at tig walong puntos sina Lassiter at Arwind Santos sa unang dalawang period para sa Petron Blaze.
Sa pagbubukas ng third canto, naitabla ng RoS ng iskor sa 52 upang maagaw ang bentahe sa third canto, 72-69.
Kumalas ng bahagya ang Petron, 65-59 mula sa layup ni Ross subalit dinikitan muli sila ng E-Painters, 67 all sa jumper ni Jeff Chan.
Samantala, pipilitin naman bumangon ng Barangay Ginebra Gin Kings sa Game 4 bukas kontra sa tropa ni coach Tim Cone na San Mig Coffee Mixers.
Hawak ng Mixers ang 2-1 bentahe sa kanilang semifinals match matapos manalo sa Game 3, 97-89.
Dinaan sa bilis nina third-year guard Mark Barroca at rookie guard Justin Melton upang tulungan ang opensa ng Mixers sa payoff period.
Tumipa ng 25 puntos, walong rebounds at limang assists si Barroca habang si Melton ay may ambag na anim na puntos apat na boards at tig tatlong assists at steals.
Nakatakda ang banggaan ng Mixers at crowd favourite Gin Kings sa alas otso ng gabi sa nasabing venue.
The post E-Painters namumuro sa Finals appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment