Saturday, February 1, 2014

6 sugatan sa pamamaril ilang oras bago ang Thai snap polls

ANIM ang naitalang nasugatan dahil sa pamamaril, ilang oras bago ang snap election upang mabatid kung mananatili si Prime Minister Yingluck Shinawatra sa kanyang puwesto.


Nagmula ang panibagong kaguluhan sa mga nagbabanggaang tagasuporta at kontra sa Thai leader.


Sinasabing nangyari ang insidente sa lugar kung saan nakatago ang mga balotang gagamitin sa halalan.


Naniniwala ang mga awtoridad na ginawa ito upang mapigilan ang distribusyon ng ballot papers.


Pero una rito, tiniyak ng mga lider ng mga nagpoprotesta na hindi nila guguluhin ang eleksyon.


Maliban sa 200,000 mga pulis, idineploy na rin ang mga sundalo upang magpanatili ng kapayapaan sa nasabing lugar.


The post 6 sugatan sa pamamaril ilang oras bago ang Thai snap polls appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



6 sugatan sa pamamaril ilang oras bago ang Thai snap polls


No comments:

Post a Comment