LABING-APAT ang namatay kabilang ang apat na estudyante sa pagsabog ng Mount Sinabung sa Sumatra, Indonesia.
Nagbuga ang bulkan ng maiinit na bato at abo ng hanggang 2,000 metro ang taas at bumagsak sa maraming kalapit na lugar.
Kabilang dito ang Sukameriah village na 2.7 kilometro lang ang layo sa crater ng bulkan na binalot ng makapal na maitim at mainit na abo.
Kinilala na ang mga nasawi kung saan ang apat na estudyanteng namatay ay may sightseeing trip sa bulkan.
Pinangangambahan ng mga awtoridad na tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa matinding init ng abong nagmumula sa bulkan. Itinigil muna ang search and rescue operation sa lugar.
Samantala, 30,000 residente naman ang inilikas sa village mula nang mag-alburuto ang bulkan noong Setyembre.
Pero may ilang residenteng bumalik nitong Biyernes kasunod ng abiso ng Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation na ligtas naman ang mga bahay na nasa labas ng 5-kilometer radius mula sa bundok.
Ang Mount Sinabung ay isa sa 129 na aktibong bulkan sa Indonesia.
The post 14 patay sa pagsabog ng bulkan sa Indonesia appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment