Monday, February 3, 2014

UPHSD kampeon sa men’s volleyball

TINALBOS ng University of Perpetual Help System Dalta Altas ang Emilio Aguinaldo College Generals, 25-22, 26-24, 18-25, 23-25, 15-13 upang sungkitin ang titulo sa 89th Senior men’s volleyball tournament kanina sa The Arena San, Juan.

Hindi naging madali para sa Altas ang makuha ang four-peat dahil mula umpisa ay nakipagpukpukan ng todo ang Chiefs.

Halos buong laro sa unang set ng Game 2 ay hinawakan ng Chiefs ang manibela nakuha lamang ng Altas ang abante pagkatapos ng 20 all.

Naitabla naman agad ng Chiefs ang iskor sa 21 bago tuluyang hawakan ng Altas ang set point, 22-24.

Naka-puwersa naman ng 24 all ang Legarda-based squad sa second set subalit nanaig pa rin ang taft-based Spikers, 24-26 para mamuro sa pagsungkit ng titulo.

Nagising naman ang Chiefs mula sa sermon ng kanilang head coach kaya naman bumanat ng dalawang sets ang mga ito upang magkaroon ng deciding five sets.

Nanguna sa opensa ng Altas si reigning Most Valuable Player (MVP) Jay Dela Cruz na may 24 points at dalawang blocks habang nag-ambag sina last year’s MVP Edmar Sanchez at Bonjomar Castel ng tig 14 pts. para ilista ang 2-0 sa kanilang best-of-three Finals.

May itinala namang 41 markers at walong digs si Howard Mojica para sa Generals.

Samantala, nabigo naman ang Lady Altas na maiuwi ang kampeonato matapos silang saltohin ng Arellano University Lady Chiefs.

Winalis sa tatlong sets ng Arellano ang UPHSD, 25-21, 25-22, 25-6 upang makahirit ang una ng do-or-die match na gaganapin sa Huwebes sa nasabing venue.

Kinapos ang tinikada ni Season MVP at best scorer Honey Royse Tubino na nagtala ng 11 hits kasama ang tatlong blocks at apat na digs para sa three-peat seeking na Lady Altas.


The post UPHSD kampeon sa men’s volleyball appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPHSD kampeon sa men’s volleyball


No comments:

Post a Comment