Sunday, February 2, 2014

Pumpboats pinayagan nang bumiyahe sa Boracay

MALUWAG nang makabibiyahe ang mga pasahero patungong Boracay makaraang maibalik ng Caticlan jetty port ang biyahe ng mga pumpboat ngunit ang mga RoRo vessel ay naka-standby pa rin.


Ayon kay Niven Maquerang, jetty port administrator na pinayagan na nilang makabiyahe ang mga fastcrafts at pumpboat ngunit 50 porsiyento lamang ang pinapayagang maisakay na pasahero at dapat na may suot na life vest ang lahat ng sakay nito.


Nilinaw pa nito na ihihinto nila ang biyahe mamaya dahil nasa signal number 1 pa ang lalawigan ng Aklan dahil sa bagyong Basyang.


Sa oras na makuha na ang storm signal ay balik normal na ang kanilang operasyon.


Sa kabilang dako, hanggang sa ngayon ay nananatiling stranded ang nasa 500 pasahero ng RoRo sa naturang pantalan habang ang iba ay namalagi sa bus terminal at ang iba sa mga ito ay nag-hotel sa Caticlan at sa Kalibo.


Namigay ang LGU-Malay, provincial government at jetty port ng mga pagkain sa mga na-stranded na pasahero kagaya ng cup noodles.


The post Pumpboats pinayagan nang bumiyahe sa Boracay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pumpboats pinayagan nang bumiyahe sa Boracay


No comments:

Post a Comment