DAHIL sa pananalasa ng bagyong Basyang, umaabot na sa 99 pamilya sa Silay at Talisay ang lumikas sa Negros Occidental na nasa public storm warning signal number 2.
Sinabi ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) head Liane Garcia, ang 99 pamilya ay kinabibilangan ng 457 mga indibidwal mula sa 12 mga barangay na pawang disaster prone areas sa lungsod.
Ang apektadong mga barangay ay kinabibilangan ng Brgy. Zone 5, Zone 8 at Zone 14-A sa Talisay City habang ang apektadong mga barangay sa Silay City ay kinabibilangan ng Brgy. Poblacion, E. Lopez, Guinhalaran, Rizal, Hawayan, Balaring, Lantad, Mambulak at Brgy. 2.
Ayon sa PSWDO head, napilitan ang mga ito na mag-evacuate papunta sa malapit na mga eskwelahan, barangay hall at civic center matapos nagsalubong ang tubig na dala ng ulan at high tide.
Agad namang nabigyan ng local social welfare officers ng relief goods and evacuees.
Unti-unti nang nagsipag-uwian ang mga ito kaninang umaga.
Samantala, dalawang mga bahay ang totally-damaged at 55 iba pa ang partially-damaged.
Wala namang naitalang namatay o nasugatan sa pananalasa ni Basyang sa Negros Occidental.
The post 99 pamilya lumikas sa 2 lugar sa Negros Occidental appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment