Monday, February 3, 2014

Pamimigay ng lupa sa mga magsasaka tatapusin ngayong taon

MATATAPOS na ang pamimigay ng lupa sa mga magsasaka ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa June 2014.


Ito ang napag-alaman ng Remate News Central.


Ayon sa DAR, matatapos na sa June ang CARPER Law at wala na silang kapangyarihang mamigay ng lupa liban na lamang kung palalawigin ito hanggang matapos ang termino ni Pres. Benigno Simeon Aquino III sa 2016.


Ayon kay DAR Undersecretary Anthony Paruñgao, marami pa sanang magsasaka ang makikinabang kung mapapalawig ang nasabing batas.


Aniya, nangangailangan ng mahabang proseso ang pamamahagi ng lupa.


Gayunman, siniguro ni DAR Undersecretary for Field Operations, Jose Grageda na minamadali nila ang pag-iisyu ng Notices of Coverage (NOCs) para sa pagmamay-ari ng lupa sa ilalim ng Compulsory Acquisition program upang maipamahagi agad ang mga pribadong lupang sakahan.


Abot pa sa 69,339 ektaryang sakahan ang hindi pa naiisyuhan ng NOCs.


May 80,000 ektarya pang nakatakdang repasuhin ng DAR upang malaman kung kwalipikadong ipamigay sa mga magsasaka.


The post Pamimigay ng lupa sa mga magsasaka tatapusin ngayong taon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pamimigay ng lupa sa mga magsasaka tatapusin ngayong taon


No comments:

Post a Comment