KALABOSO ang tatlong lalaki matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa barong-barong sa Caloocan City Linggo ng hapon, Pebrero 2.
Kinilala ang mga suspek na sina Alvin Cruz, 31; Ramil Hitosis, 34 at Gary Abing, 36 pawang ng Camarin ng lungsod.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na ginagawang singhutan ng shabu ang barong-barong sa Doña Ana, Camarin dahilan upang puntahan dakong alas-4 ng hapon.
Naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na bumabatak na naging dahilan upang dakpin at nakuhanan ng 4 na sachet ng shabu at mga paraphernalia.
The post 3 swak sa bato sa Caloocan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment