TINATAYANG mahigit P.2 milyon halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy makaraang masunog ang may 30 kabahayan na naging dahilan ng pagkawala ng tirahan ng may 50-pamilya kaninang madaling-araw sa Parañaque City.
Sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Marife Eupaniu sa Annex 41 Upper Manggahan, Barangay Sun Valley dakong ala-1:51 ng madaling araw.
Sinasabing nagmula ang sunog sa isang naiwang kandila at mabilis na kumalat sa mga kabahayan na pawang gawa sa materyales na madaling matupok ng apoy.
Umabot naman sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-4:25 ng madaling araw.
The post P.2-M ari-arian naabo sa sunog sa Parañaque appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment