Monday, February 3, 2014

FOI bill pinamamadali na ng mga solon

ISINULONG ni Parañaque Rep. Gustavo Tambunting na i-adopt na lamang ng Kamara ang bersiyon ng FOI bill na nabuo noong 15th Congress upang mapabilis ang pagpapasa rito.


Sinabi ni Tambunting na kailangang paspasan na ng Kamara ang pagpapatibay ng FOI bill dahil magiging epektibong instrumento ito para maging mas bukas ang gobyerno sa publiko.


Malaking tulong din aniya ito sa pag-angat ng imahe ng buong Kamara.


Batay sa compromise version na binuo ni dating House Committee on Public Information Chairman Ben Evardone noong 15th Congress, may 15 araw para tumugon ang isang tanggapan ng gobyerno sa request for information ng sinuman.


Kung mabibigo ito, kailangang magbigay ng paliwanag ang pinuno ng ahensiya kung bakit hindi maibibigay ang hinihiling na impormasyon.


Ngunit sakaling hindi satisfied ang nag-request, maaari naman itong maghain ng petisyon sa korte para i-compel ang pinuno ng ahensiya o kaya ay sampahan ito ng reklamong administratibo sa Office of the Ombudsman.


Sa compromise version na ito ni Evardone noon, hindi nakapaloob ang right of reply provision, bagay na inalmahan ng todo ng ROR bill proponents.


Dahil sa pagkadismaya ng isa sa mga awtor ng FOI bill na si Dinagat Island Rep. Arlene Bag-ao ay sinabi nitong babalewalain nito ang Technical Working Group na nilikha ng chairman ng Public Information Committee na si Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte.


Giit ni Bag-ao na kapag mayroon na silang consolidated version ay ipi-presenta nila ito sa public information committee para agad mapagbotohan.


Paglilinaw ni Bag-ao na hindi naman nangangahulugan na i-bypass si Almonte subalit nais nilang mapabilis at mabawasan na ang hakbang ng proseso na nagpapabagal ng usad ng FOI bill.


The post FOI bill pinamamadali na ng mga solon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



FOI bill pinamamadali na ng mga solon


No comments:

Post a Comment