Tuesday, February 25, 2014

BUREAU OF CUSTOMS SA KAMAY NG OLD BOYS CLUB

baletodo NAKAKAAWA ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa kamay ng “OLD BOYS CLUB” (OBC) na kilala bilang matatalinong ECONOMIC MANAGERS at CONSULTANTS ng kasalukuyang administrasyon maski na sa ilan na nagdaan


Kung mayroong grupo ng mga abogado mula sa ACCRA, PECABAR at THE FIRM, ganyan din ang husay ng Old Boys Club kahit magkaiba ang propesyon. Hindi matatawaran ang galing nila kaya naman, maysala o mandaraya na, nakakalusot pa rin sa kanilang mga mali na gawa sa lipunan.


Totoo na maraming tiwali sa Customs. Ngunit marami din sa kanila ang matitino. Naalala ko tuloy noon bilang Customs Commissioner si Balong Arevalo na napakatinong opisyal. Hindi pa nag-iinit sa puwesto ay nagbitiw siya dahil hindi niya kinaya ang matinding impluwensiya ng Old Boys Club.


Muli, ang Old Boys Club ay kinabibilangan nang mga kilalang economic managers ng bansa. Marami sa kanila ang ginawang Hepe ng gabinete at marami sa kanilang barkadahan ang ginawang economic consultants. Ang iba ay nanatili sa pribadong sector ngunit kasinglakas din sa kapangyarihan ng nasa puwesto ng pamahalaan. Magkakasama nga eh.


Ang papel ng OBC ay kahalintulad ng FIXERS, mga kriminal!


Ilan sa kanilang regular na kliyente ay mga malalaking smugglers. Isang tawag lang sa Customs at kawangis na ahensya na naniningil ng buwis, barya na lang ang taripa’t buwis na bayarin. Lugi ang bayan!


Alam na alam ito ng mga opsiyal ng BoC pero wala silang magawa. Tuloy, pati mga taga-Customs ay tahimik na lang at nakikisawsaw na sa higanteng katiwalian. Ganyan din ang ginagawa nila sa kanilang mga kliyente kapag may problema sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Tameme lang si Commissioner Kim Henares!


Isang malaking kliyente ng OLD BOYS CLUB ay ang malalaking car dealersat assemblers sa bansa. Ang OBC ang pumapatay sa maliliit na nagosyante sa katulad na negosyo. Dahil nga maliliit, wala silang mapipiga na malaking halaga. Bakit nga ba sila mag-aaksaya ng panahon kumpara sa mga higanteng korporasyon?


Kung tutuusin, sobra-sobra sana ang nasisingil na buwis at taripa ng Bureau of Customs kung hindi nakikialam ang OBC. Hindi katulad ngayon at ng mga nagdaang panahon na palaging kapos ang singil nila sa itinakdang singilin na buwis. Sobra na sa kahihiyan ang inaabot ng mga taga Bureau of Customs!


Isang hamon ito kay pangulong Benigno Aquino III at kay Customs Commissioner John Sevilla. Kung gusto ninyo ibalik ang tiwala ng taumbayan sa usaping pang-ekonomiya, putulan ninyo ng kamay ang MAKAKAPAL PA ANG MUKHA NA OLD BOYS CLUB! –30–


The post BUREAU OF CUSTOMS SA KAMAY NG OLD BOYS CLUB appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BUREAU OF CUSTOMS SA KAMAY NG OLD BOYS CLUB


No comments:

Post a Comment