Tuesday, February 25, 2014

Ayaw magpatalbog kay Roxanne, Deniece humirit ng isa pang rape sumablay tuloy

NANG lumabas sa lungga si Roxanne Acosta Cabañero at idemanda ng rape si Vhong Navarro ay humirit naman ng isa pang rape case si Deniece Cornejo. Aniya, not just once, but twice she raped by Vhong. Ito ang nakapaloob sa kanyang counter-affidavit submitted to the Department of Justice prosecution panel.


Ani Cornejo, ang first sexually assaulted ng dancer/host/comedian sa kanya ay noong January 17 kung saan pareho silang nandoon sa kanyang hiniram na Forbeswood Heights condo unit. Agresibo raw noon ang host at talagang naipasubo raw sa kanya ang kahindigan nito at pagkatapos ay sa kanyang bukana naman.


“As I was struggling to stop his advances, he managed to force his penis into my mouth. I tried my best to free myself from his clutches to no avail.


“He then removed his pants and inserted his penis inside my vagina. I was pleading ‘No,’ struggling and crying, begging him to stop and pushing him as best as I could. Eventually he stopped and left my unit,” sabi sa affidavit ng kontrobersyal na modelo.


Ayon naman sa abogado nitong si Atty. Howard Calleja, hindi raw dine-deny ng kampo nila na nangyari nga iyon pero tumahimik lang daw sila tungkol dito.


Ang problema ngayon, prior to that alleged rape, naikanta na pala ng nasabing abogado sa ANC Headstart News Program na walang nangyari kina Cornejo at Navarro noong January 17. Itinanggi rin nito na nagkaroon ng oral sex kagaya nang ipinahayag ni Vhong sa kanyang sworn affidavit.


“That is not true, even if pinagmamalaking may nangyari si Vhong, baka to him, in his mind, gusto niyang may mangyari. But really, nothing happened,” ayon pa rin kay Calleja.


Matatandaan sa sinumpaang salaysay ng komedyanteng host sa NBI, nakasaad doon na after consuming one bottle of white wine, they made out and it led to oral sex where Cornejo repeatedly inserted her mouth the private part of Vhong.


Again, itinanggi ito ni Atty. Calleja. “We talked about that, and Deniece said talagang walang nangyari noong time na ‘yon.”


Anyway, ang kasong rape na isinampa ni Deniece sa Kapamilya aktor ay nangyari noong January 22 kung saan ni-rescue kuno siya nina Cedric Lee at binugbog ang una. Nakasaad ito sa first complaint-affidavit ng modelo.


Naku, nagkaletse-letse na ang mga sinasabi ng kampo ni Deniece. Dapat tantanan na nila ang pagpapa-interbyu kung saan-saan dahil ito ang magpapahamak sa kanila. Sabi nga, more talk, more mistakes.


***


ATTY. LORNA KAPUNAN DUDA SA PANGALAWANG RAPE NI DENIECE


HINDI naman kumporme si Atty. Lorna Kapunan sa bagong kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo kay Vhong Navarro. Bakit daw iimbitahin pa nito ang isa sa host ng It’s Showtime noong January 22 kung five days before (January 17) ay ni-rape na pala siya ni Vhong.


“The circumstance that puts the credence to question is kung na-rape ka, bakit mo iimbitahin uli? That’s my personal and legal opinion,” sabi ng abogada sa interview sa kanya sa Aquino & Abunda Tonight show na napapanood nightly sa ABS-CBN.


“Ang problema, you cannot change theory midway. Kasi ang first na sinabi nila is attempted rape… naging consummated rape. Noong nagkaroon na sila ng abogado, si Atty. Howie, nag-iba na sila ng theory that there was consummated rape on the on the first day, January 17,” dagdag pa nito.


***


ANNE CURTIS NOMINADO SA NICKELODEON


NOMINADO si Anne Curtis sa Nickelodeon’s 27th Annual Kids’ Choice Awards. Sa Favorite Asian Act category siya napabilang kasama ang Chinese singer GEM na si Deng Zhi Qi, Indonesia’s Coboy Junior at Malaysia’s Lisa Surihari.


“KILIG!!!!! Another dream come true!!!” Ito naman ang reaksyon ni Anne sa kanyang Instagram account.


Maaalalang noong 2012 ay iniuwi ni Charice Pempengco ang naturang award kung saan tinalo nito sina South Korea’s Wonder Girls, Indonesia’s Agnes Monica at Malaysia’s Yuna.


Noong 2013, si Sarah Geronimo ay na-nominate rin sa naturang awards kasama ang YouTube sensation na si Psy pero pareho silang natalo ni Han Geng ng China.


Ang magho-host ng programa ay si Mark Wahlberg at ito ay gaganapin sa University of Southern California’s Galen Center sa March 29 at mapanonood sa Pilipinas sa March 31.


***


For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Ayaw magpatalbog kay Roxanne, Deniece humirit ng isa pang rape sumablay tuloy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ayaw magpatalbog kay Roxanne, Deniece humirit ng isa pang rape sumablay tuloy


No comments:

Post a Comment