Monday, February 24, 2014

Bangis ng Lady Bulldogs haharapin ng Lady Eagles

PANIGURADONG dadagsa sa The Arena San Juan ang fans ng National University Lady Bulldogs at Ateneo Lady Eagles upang saksihan ang semifinals step-ladder ng 76th UAAP volleyball tournament.

Maghaharap bukas ng alas-4 ng hapon sa nasabing lugar ang Lady Bulldogs at Lady Eagles kung saan ay sagpang ng una ang twice-to-beat advantage.

Sinagpang ng Bulldogs ang No.2 sa No. 2 spot matapos ang 14-game eliminations round habang No. 3 ang nadagit ng Lady Eagles.

Kinaldag ng Lady Eagles ang Adamson University Lady Falscons sa unang step-ladder.

Muling sasandalan ng Ateneo ang league-top scorer Alyssa Valdez na lumutang sa opensa ng Lady Eagles nang talunin ang Lady Falcons.

Humataw si Valdez ng 19 points, 14 kills at dalawang blocks para walisin sa tatlong sets ang Lady Falcons.

Para naman sa Lady Bulldogs ang magkapatid na sina Dindin at Jaja Santiago ang kanilang sasandalan upang matupad ang asam na makapalo ng bola sa Finals kung saan ay naghihintay na ang De La Salle Lady Spikers.

Hindi na dumaan sa semis ang Lady Spikers dahil winalis naman nila ang lahat ng laro sa elims round.

Kahit sino ang makalaban ng La Salle sa pagitan ng Ateneo at NU ay tiyak na malaki ang bentahe na masapul ng Taft-based Lady Spikers ang four-peat dahil may hawak silang thrice-to-beat incentive.

Samantala, sa men’s division, makakaharap naman ng Bulldogs ang Falcons sa alas dos ng hapon

Tangan din ng NU ang twice-to-beat.

Ang magwawagi sa NU at Adamson ay makakaharap ang Ateneo Blue Eagles sa Finals.

“Ang tagal ding hindi nakalaro ang Ateneo sa Finals kaya sana magtuloy-tuloy na ito. wika ni Blue Eagle coach Oliver Almadro.


The post Bangis ng Lady Bulldogs haharapin ng Lady Eagles appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangis ng Lady Bulldogs haharapin ng Lady Eagles


No comments:

Post a Comment