Monday, February 3, 2014

Singil sa kuryente bababa, presyo ng langis tataas

KUNG nangako ang MERALCO na bababa ang singil ng kuryente ngayong buwan, muli namang nagtaas ng presyo ang mga produktong petrolyo.


Sa report, nag-price hike ang Shell, Phoenix Petroleum, PTT, Seaoil at Petron ng P0.25 kada litro sa diesel at P0.10 sa gasolina.


Abot naman sa P0.30 kada litro ang pagtaas sa kerosene ng Shell, Seaoil at Petron.


Nagdagdag-presyo rin ang Eastern Petroleum ng P0.30 sa kada litro ng diesel at P0.10 sa gasolina.


Samantala, nangako ang MERALCO na bababa ang kanilang singil ngayong Pebrero.


Tatapyasan umano nila ng P0.13 kada kilowatthour ang generation charge, o mula P5.67/kWh noong Enero, papalo magiging P5.542/kWh na lamang ito.


Ibinaba rin nila ang tax at system loss charges.


Gayunman, nilinaw ng Meralco na ipapataw pa rin nila ang ipinagpalibang dagdag-singil para sa Disyembre at Enero kapag natapos na ang 60-araw na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema.


Anila, P4.15/kWh ang dapat itinaas sa singil ng kuryente noong Disyembre at P5.33/kWh nitong Enero, o kabuuang P9.48/kWh.


The post Singil sa kuryente bababa, presyo ng langis tataas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Singil sa kuryente bababa, presyo ng langis tataas


No comments:

Post a Comment