KUNG hindi ninyo kayang sugpuin ang kriminalidad, mag-resign na kayo.
Ito ang hamon ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza kina Secretary Mar Roxas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at PNP Chief Alan Purisima.
Sa kanyang privilege speech, nanawagan ang kongresista na magbitiw na lamang ang dalawang opisyal kung hindi nila kayang protektahan ang publiko laban sa mga kriminal.
Ito ay sa gitna ng pagdami ng bilang ng krimen at mga palpak na desisyon sa pagtugon dito.
Pinasaringan din ni Atienza si Roxas na mas mabuting magbitiw na ito at magmaneho na lamang ng taxi.
Naniniwala si Atienza na katawa-tawa at insulto sa hanay ng Philippine National Police ang desisyon nina Purisima at Roxas na mag-hire na lamang ng pribadog security para magbantay sa buong kampo Crame.
Hindi rin aniya katanggap-tanggp kay Atienza ang desisyon nina Roxas na ipagbawal ang martilyo at pagsusuot ng sombrero sa mga malls matapos ang robbery sa isang kilalang mall chain.
Ito umano ay indikasyon ng kahinaan ng liderato sa PNP.
The post Roxas, Purisima pinagre-resign appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment