DAPAT bigyang-pansin ng Simbahang Katoliko ang mga matatanda at hindi lamang ang mga kabataan at mga ‘un-churched.’
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, mismong si Pope Francis ang nagsabi na kritikal ang papel ng mga nakatatanda sa paghubog ng susunod na henerasyon dahil nakakatulong sila sa pagpapasa ng kaalaman at karanasan sa mga kabataan.
“In our age we hide wrinkles and white hair. But there is something beautiful about it as it shows wisdom and experience,” ayon pa kay Villegas.
Aniya, ngayong 2014 na idineklarang Year of the Laity, ginagawa umano ng Simbahan ang mga bagong hakbang para mas maabot ang mas maraming myembro kasama ang mga “hurting and disgruntled Catholics” at maging kritiko.
Sinabi pa ni Villegas na ang selebrasyon ay hindi lang para sa mga deboto kundi maging mga kritiko dahil anak rin sila ng Diyos.
The post Matatanda dapat tutukan ng Simbahan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment