AWARE naman tayo na nagkaroon ng gap noon sina Marian Rivera at Heart Evangelista.
Nangyari ito noong sa shooting pa lang nila ng blockbuster remake movie na “Temptation Islands.” Tapos nadagdagan pa ang isyu ng mabalitang pagsasamahin daw sa isang project si Heart at ang boyfriend ni Marian na si Dingdong.
Na pinalabas ng kampo noon ni Heart na hindi ito puwedeng mangyari dahil aawayin siya ni Yan Yan dahil sa selos.
Pinangunahan at hinusgahan na agad nila ang Primetime Queen ng GMA. At doon na nga nagsimula ang away, na kahit wala naman siyang kasalanan ay nagpakumbaba na si Marian para magkabati sila-mangyayari dapat ito nang mag-guest ang maganda at flawless na actress sa Startalk kung saan isa sa host ang gf ni Sen. Chiz Escudero. Aba!
Nagmahadera raw ito kahit na pinayuhan na ni Maricel Soriano na guest din noong araw ding ‘yun sa show na mag-ayos na sila ng siyota naman ni Papa Dingdong Dantes.
Pinangangalandakan pa ng TV host actress na wala naman silang dapat ayusin ni Ms. Rivera dahil kahit kailan ay di na naman daw sila naging friends nito. Ganoon? Porke hindi kayo magkaibigan ay ayaw mo nang makipagbati?
Naku Ineng, magpasalamat ka nga at nag-effort na ‘yung tao para maging okey na kayo. Pero dalawang beses mo na siyang dineadma. Mas maganda kung magsama na lang kayo ni Carla Abellana na parehong insecure sa beauty ng alaga ni Rams David.
Saka hindi naman ikamamatay ni Ms. Marian kung ayaw mong makipagbati sa kanya. Ang importante ay nag-effort siya dahil positive na nga ang outlook nito sa buhay at ayaw na niya na ng nega.
Marami na ang nakapapansin na since maging boyfriend ni Heart itong si Sen. Escudero ay para naging isnabera na siya. Kita nyo, hanggang ngayon ay dine-deadma pa rin nito ang kanyang parents. Mag-behave ka ng girl, para ‘di karmahin gyud!
The post Marian di pa mapatawad ni Heart appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment