Tuesday, February 25, 2014

Kontrobersiya sa DOTC-MRT 3 ayaw ipaubaya sa DoJ

INALMAHAN ng ilang kongresista ang mungkahi ni 1-BAP Partylist Rep. Silvestre Bello III na ipaubaya na lang ng Kamara sa Department Of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa sinasabing paghingi ng lagay ng ilang opisyal ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa isang Czech Corporation.


Ito ay kaugnay sa pagbili ng bagong bagon ng MRT ng DOTC.


Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, iminungkahi ni Bello, dating Justice secretary, na kung didinggin pa sa komite ang isyu ay mas matatagalan lamang ang pagsulong ng kaso sa korte.


Ngunit kung mismong ang DOJ na aniya ang mag-imbestiga, anuman ang makita nito ay maaaring agad maideretso sa Korte at makasuhan ang mga may sala.


Ngunit agad itong sinopla ng ibang miyembro ng komite, kung saan iginiit ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na ang Kongreso ay maaaring mag-imbestiga “in aid of legislation.”


Giit ni Batocabe na ang mandatong ito ng Kongreso ay ibang-iba sa mandato ng DoJ na sinang-ayunan din maging ng chairman ng komite na si Pampanga Rep. Oscar Rodriguez.


Samantala, hindi humarap sa pagdinig si MRT 3 Gen. Manager Al Vitangcol na isa sa pinangalanan sa affidavit ni Czech Republic Ambassador Josef Rychtar na kasama sa meeting sa mga opisyal ng Inekon.


Sa naturang meeting diumano nabanggit ang hinihinging $30 milyong lagay upang masiguro ng Inekon na makukuha nito ang kontrata para sa mga bibilhing bagong bagon ng MRT.


Isinasangkot sa kontrobersiyang ito ang bayaw ni Pangulong Aquino na si Eldon Cruz, ang asawa ng nakatatanda nitong kapatid na si Balsy Aquino-Cruz na agad namang itinanggi ng Malakanyang.


Kabilang din sa isinasangkot sa kontrobersiya ang ilang kaibigan at kaalyado ni Pangulong Aquino na kabilang sa grupo ni Cruz.


The post Kontrobersiya sa DOTC-MRT 3 ayaw ipaubaya sa DoJ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kontrobersiya sa DOTC-MRT 3 ayaw ipaubaya sa DoJ


No comments:

Post a Comment