PARANG hindi Pasko ang naramdaman ni Gwen Zamora nang mag-Christmas siya sa Tacloban.
Dalawang taon na kasi ang pakikipagrelasyon niya kay Raymund Romualdez, anak ng Tacloban mayor na si Alfred Romualdez.
Tinanong si Gwen kung may plano na ba silang magpakasal ng kanyang boyfriend. Depende raw sa recovery ng Tacloban ang kanilang kasal.
“It was so hard to celebrate. Sina Tita Cristina (Gonzales) at si Tito Alfred, you didn’t feel it’s Christmas. No one partied or anything, Noche Buena. Ni hindi nga umabot ng Noche Buena si Tito Alfred. He’s so tired. Since it happened (bagyong Yolanda), hindi siya nakatutulog,” kuwento ni Gwen sa pocket interview ng bago niyang afternoon serye sa GMA 7 na Innamorata na magsisimula sa February 17.
May nagtanong sa kanya kung bakit pumayag siya sa role na lola siya ni Max Collins? May pagka-fantsy at mystery pala ang serye. Pumayag siya na maging lola dahil na-trap siya sa frame.
Iniintriga rin siya kung bakit pumayag siya na maging supporting ni Max samantalang nauna naman siya sa Kapuso network.
“When have I ever said no? The more I care, lalo akong mai-stress, ayoko. Maybe, the world’s not yet ready for me,” bulalas niya.
Kasama rin sa ‘Innamorata’ sina Luis Alandy at Dion Ignacio. ‘Yun na!
The post Kasal ni Gwen Zamora nakadepende sa recovery ng Tacloban appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment