ITINAKDA na ng Department of Justice ang preliminary investigation sa kasong inihain ni Vhong Navarro laban kay Deniece Cornejo, Cedric Lee at anim na iba pa.
Sa ipinalabas na subpoena ng panel na may hawak ng kaso, ang pagdinig ay itinakda sa February 14 at 21, 2014.
Kaugnay nito, pinadalhan na ng panel of prosecutors ng subpoena ang kampo nina Cornejo, Cedric Lee, Berniece Lee, Ferdinand Guerrero, Zimmer Rance at iba pang respondent sa kaso.
Matatandaan na noong nakalipas na linggo, naghain ang kampo ni Navarro ng reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, illegal arrest at blackmail laban kina Cornejo.
The post Hearing sa Vhong case gaganapin sa Valentine’s day appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment