Monday, February 3, 2014

GUMAGANDANG SERBISYO PUBLIKO NG GSIS

NATS TABOY KUNG may magandang balita sa ngayon na matutunghayan ang ating mamamayan, lalong-lalo na sa mga naninilbihan sa gobyerno, ay itong serbisyo ng Government Service Insurance System ang talagang nagpabilid sa atin matapos ang pakikipagkuwentuhan natin sa ilang opisyal nito.


Nakasama natin ang workaholic na si Nora M. Saludares, GSIS senior vice president for Luzon Operations Group, Mercedita Irene D. Tayag, GSIS Corporate Affairs Department manager at ang kanilang mga staff sa napakasiglang roundtable discussion natin kamakailan sa Chef’s Bistro, Scout Gandia, corner Tomas Morato, QC kung saan ginaganap ang lingguhang kapihan ng Samahan ng Kolumnista ng Pilipinas (SAKOPI).


Nasa P786 bilyon na ang total asset ng GSIS sa taong 2013 at nasa P80 bilyon ang nai-release ng ahensiya sa government employees. Ang lalo pang nakatutuwa ay alam ba ninyong P5,000 na ang minimum pension ng lahat ng nagretirong government employee, maging sa mga lalawigan? Pinapupurihan natin ang pagsusumikap ni GSIS President and General Manager Robert G. Vergara at Chairman Daniel Lacson dahil nakikita nating inspirado ang mga taga-GSIS sa pagganap sa kani-kanilang tungkulin sa ilalim ng kanilang pamunuan.


Heto pa ang magandang balita: ang GSIS ay nagbibigay ng emergency loan sa may 48,000 miyembro nito na nagtatrabaho o naninirahan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Agaton at mga naideklarang nasa ilalim ng state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Kasama rito ang mga lalawigan ng Agusan del Norte (including Butuan City), Agusan del Sur, Lanao del Norte (including Iligan City), Surigao del Norte at municipalities ng Kalong, Carmen, Asuncion, New Corella, at Tagum City sa Davao del Norte.


Hanggang February 22, 2014 ang deadline ng pag-aaplay ng emergency loan na ito. Maaaring mag-aplay sa lahat ng GSIS branch sa ilalim ng “file anywhere” policy o kaya naman ay sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks na nasa provincial capitols, city halls, selected municipal offices, at large agencies.


Ang mga miyembrong walang eCards ay maaaring mag-aplay over-the-counter (OTC) at any GSIS office. Nasa P5 bilyon ang nakalaang pondo para sa emergency loan ngayong 2014.


The post GUMAGANDANG SERBISYO PUBLIKO NG GSIS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



GUMAGANDANG SERBISYO PUBLIKO NG GSIS


No comments:

Post a Comment