NILINAW ng Manila Electric Company (Meralco) na hindi masisingil at hindi rin kailangang bayaran ng kanilang mga kostumer ang dagdag-singil na pinigil ng Korte Suprema, na napasama sa February bill.
Sinabi ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, aminado siyang bukod sa “amount due” o bayarin sa kasalukuyang buwan, nailagay din sa ilang bill ang “total amount due” o kabuuang bayarin sa ipinalabas nitong electric bill.
Sa “total amount due” isinama ang dagdag-bayarin dulot ng pagtaas ng generation charge noong Disyembre.
Sa mahigit 5 milyong kustomer ng Meralco, 1.5 milyon anya ang nakatanggap ng ganitong klaseng bill.
Ngunit paglilinaw ni Zaldarriaga, “kapag ito [bill] ay dinala sa any payment centers na partners namin, kapag ito’y [barcode] binaril ng scanner, ang lalabas lang ay ‘yung current charges o ‘yung amount due.”
“Naka-indicate lang ‘yan as guide sa ating mga customer na ito ‘yung deferred na pending resolution ng SC TRO.”
Ipinakita lamang anya sa mga konsyumer ang halaga ng actual December bill bago bumaba ang temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa binayaran nilang bill, na posibleng noong buwan ng Nobyembre.
Sinabi ni Zaldarriaga na hindi ito kailangang bayaran ng mga kostumer sabay sabing “ang kailangan lamang bayaran ay ‘yung current charges.”
Oras na nabayaran naman na ang “total amount due” kasama ang pinigil na dagdag-singil, sinabi ng Meralco na kailangan nila itong ibalik..
Sinabi pa ni Zaldarriaga na walang intensyon ang Meralco na magdulot ng kalituhan.
Payo ni Zaldarriaga sa may mga katanungan. lumapit lamang sa Meralco business centers o tumawag sa call center.
The post Dagdag-bayarin sa bill, nilinaw ng Meralco appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment