Wednesday, February 26, 2014

China sa PH: Gusot resolbahin sa bilateral consultation

HINILING ngayon ng China sa Pilipinas na resolbahin ang problema sa pamamagitan ng bilateral consultations at negosasyon.


Kamakailan, naghain ng protesta ang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa pagbomba ng water cannon ng Chinese coast guards sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.


Sinabi ni Zhang Hua, deputy chief of Political Section at spokesman ng Chinese Embassy sa Manila, hindi tinatanggap ng China ang protesta dahil walang nilalabag ang kanilang mga coast guard.


Ayon kay Zhang, ang Chinese vessels ay nagsasagawa ng regular patrol sa loob ng kanilang hurisdiksyon nang maganap ang insidente.


Unang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na dapat magpaliwanag ang China at kung paano nito pangangasiwaan ang kahalintulad na sitwasyon.


The post China sa PH: Gusot resolbahin sa bilateral consultation appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



China sa PH: Gusot resolbahin sa bilateral consultation


No comments:

Post a Comment