NANANATILI pa rin na ang cardiovascular diseases ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy.
Ito ang iniulat ng Department of Health (DOH) na nagsabing kada taon ay 120,000 Pinoy ang nasasawi dahil sa lifestyle-related diseases tulad ng cardiovascular, stroke, hypertension, kidney problems at diabetes.
Kaugnay nito, hinimok ni Health Secretary Enrique Ona ang publiko na magpraktis ng healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na ehersisyo, tamang nutrisyon at pag-iwas sa paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak, upang makontrol ang pagkakaroon ng heart at cardiovascular diseases.
Ayon pa kay Ona, patuloy rin nilang isinusulong ang kanilang Pilipinas Go4Health campaign upang mailayo ang mga Pinoy sa mga sakit na maaari naman sanang iwasan kung magkakaroon lamang ng healthy lifestyle ang mga ito.
Samantala, inianunsiyo rin ng DOH na ilan pang government hospitals sa bansa ang magkakaroon na rin ng kakayahang magsagawa ng heart surgeries.
Bukod sa specialty hospitals tulad ng Philippine Heart Center, ang iba pa umanong DOH hospitals na nagsasagawa na ng open heart surgeries at transplants ay ang Region 1 Medical Center (R1MC) sa Dagupan, Pangasinan; Bicol Regional Teaching and Training Hospital (BRTTH) sa Legazpi, Albay; Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental at Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City.
Ayon kay Ona, sa tulong ng mga naturang pagamutan ay hindi na kakailanganin pa ng mga pasyente na bumiyahe pa-Maynila upang maoperahan sa puso dahil madaragdagan na ang mga pagamutan sa bansa na magkakaroon ng kakayahang gawin ang naturang operasyon, sa mas mababang halaga pa.
“The government is determined to achieve Kalusugan Pangkalahatan for all Filipinos through state-of-the-art technologies, health facility improvements and health promotion from the northernmost part of Luzon to Visayas to the farthest south of Mindanao. This development will definitely decongest the Philippine Heart Center,” anang Kalihim.
The post Cardiovascular diseases ‘no. 1 killer’ pa rin appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment