TUMIMBUWANG sa pasaherong pulis ang isa sa dalawang lalaki na nangholdap sa isang pampasaherong bus sa Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 2.
Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan mula sa kalibre 45 at namatay noon din ang suspek na si Liberato Magno, 21, walang permanenteng tirahan.
Hinahanting na ang isa pang suspek na may dalang mga nakulimbat na iba’t ibang gamit ng mga pasahero tulad ng cellphone, alahas at pera.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:35 ng madaling-araw sa northbound lane ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Barangay Pag-asa, Q.C.
Ayon sa bus driver ng Metrolink bus line (UYD-772) na si Romy Corido, bago ang insidente ay napansin niyang sumakay ang mga suspek sa Farmers Plaza sa Cubao.
Pero pagkatawid nila sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA sa Sitio San Roque, naglabas ng balisong ang isa sa mga suspek na si Magno at nagdeklara ng holdap.
Nagsisigaw naman ang isang babaeng pasahero nang agawin ng kasamahang holdaper ni Magno ang bag nito kaya inambahan itong saksakin.
Dito na nagpakilala ang pulis-Malabon na si PO1 Christian Santos Bautista, na kasama ang kanyang pamilya pero nanlaban si Magno kaya binaril niya ito.
The post Bus robber tigok sa pasaherong parak appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment