Monday, February 10, 2014

ANG PAGPAPAREHISTRO SA PHILHEALTH PINADALI AT PINAGAAN NA!

hilda ong PIRMADONG PhilHealth Member Registration Form (PMRF) na lamang na may kumpletong impormasyon ang kinakailangan upang maging miyembro sa PhilHealth.


Ayon kay Alexander A. Padilla, pangulo at punong tagapagpaganap ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), “Dahil wala nang napakaraming dokumento bago maging miyembro, magiging madali na para sa ating mga kababayan ang pagpaparehistro sa PhilHealth.”

Ang mga nagnanais maging miyembro ay dapat na magsumite ng PMRF na may lagda at kumpletong impormasyon ng miyembro at ng kanyang qualified dependents sa alinmang tanggapan ng PhilHealth.

Ang PhilHealth ay magbibigay ng PhilHealth Identification Number (PIN) sa bagong miyembro para magamit sa pagbabayad ng kanilang kontribusyon, pagkakamit ng benepisyo, updating ng membership profile, at iba pa. Maaari ring magparehistro online sa eregister.philhealth.gov. ph.

Sa paglagda sa PMRF, pinatutunayan ng miyembro na ang lahat ng impormasyong nakasulat dito ay tunay at tumpak. Ngunit nilinaw ng PhilHealth na maaari pa rin silang humingi ng kaukulang dokumento kung kailangan lamang.

Ang hakbanging ito ay inaasahang magpapadali at magpapabilis sa registration process, bagay na siyang hihikayat sa marami na magpamiyembro.

Idinagdag pa ni Padilla na ang pinadaling registration ay kakambal ng pinadaling pag-claim sa mga benepisyo dahil sa case-based payment system na ipinatupad nila sa pagpapasimula ng taong 2014.

-oOo-

Magsaya at magdiwang! Happy Birthday to NWRB Birthday Celebrants for the month of February 2014: Jorge M. Estiko, deputy executive director at kasalukuyang chief ng Monitoring & Enforcement Division (Feb. 19), Judith R. Ponce (Feb. 4), Mildred V. Beadoy (Feb. 5), Joey C. Castro (Feb. 7), Ramon G. Romero (Feb. 8), Catherine Ann Joy S. Napalit (Feb. 9), Pacita F. Barba (Feb. 12), Violeta N. Layno, Recy S. Macalma, Ceasar L. So-liven (Feb .13), Enrique H. Miranda, Jr. (Feb. 16), at Charito M. Menguito (Feb. 22).

The post ANG PAGPAPAREHISTRO SA PHILHEALTH PINADALI AT PINAGAAN NA! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ANG PAGPAPAREHISTRO SA PHILHEALTH PINADALI AT PINAGAAN NA!


No comments:

Post a Comment