Friday, February 28, 2014

Tigerscribes nilampaso ang PSC

SUMANDAL ang Tigerscribes sa record sa laro nina Cedelf Tupaz at Diego Dela Paz upang kawawain ang guest team Philippine Sports Commission, 71-50 sa nagaganap na 3rd PSA-PSC Pakitang Gilas Basketball League (PGBL) Willie Caballes Cup sa Rizal Memorial Coliseum, Huwebes ng umaga.


Bumira si Philippine Daily Inquirer sportswriter Tupaz ng 37 points upang burahin ang dati nitong 33 markers habang humablot ng 31 rebounds si dela Paz para ilista ng Tigerscribes ang malinis na dalawang panalo at makuha ang solo liderato sa palaro ng Philippine Sportswriters Association at PSC.


May 15 puntos na isinahog ni Dela Paz sa kanyang performance habang si Tupaz ay may anim na assists sa liga na suportado rin ng PRC, MILO Basketball Efficiency and Scientific Training, Accel at Magnolia Purewater.


Nagsumite rin si Karlo Sacamos ng Spin.ph ng pitong puntos at limang rebounds habang si broadcaster Chiqui Reyes ay may seven points, walong boards, pitong assists at apat na steals para sa Tigerscribes.


Hindi man naka-puntos si Tigerscribe forward Elech Dawa ng Remate subalit limang importanteng blocks at tatlong rebounds ang inambag nito para pahirapan ang opensa ng PSC team.


Tumipa si Alejandro Millete 17 pts. para manguna sa opensa ng government sports agency, na kinu-coach ni Paul Ycasas at binasbasan nina PSC chairman Ricardo Garcia at executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.


Unang sinagpang ng Tigerscribes ang Chrlie’s Dymons noong Lunes 58-46 win.


The post Tigerscribes nilampaso ang PSC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tigerscribes nilampaso ang PSC


Lola na-suffocate sa QC fire

NA-SUFFOCATE sa makapal na usok ang isang lola nang masunog ang kanilang bahay sa Quezon City, kaninang 9:25 ng umaga.


Agad nilapatan ng lunas ng mga tauhan ng Philippine Red Cross ang biktimang si Narcisa Reyes, 80, ng Magnolia St. Barangay Roxas District, QC.


Bago ito, bigla na lamang nagliyab ang bahay ni Reyes pero nabuhat naman ito agad ng kanyang anak na si Joseph mula sa ground floor ng bahay.


Ayon kay Sr. Fire Officer Louie Santos, inakyat na sa ikatlong alarma ang sunog dakong 10:18 ng umaga.


The post Lola na-suffocate sa QC fire appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lola na-suffocate sa QC fire


Mister binaril sa harap ni misis patay

BUMULAGTA sa harap ng kanyang misis ang 35-anyos na lalaki matapos barilin ng nakaaway kaninang madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.


Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-12:30 ng madaling-araw sa Ma. Clara at E.Quintos St. Sampaloc, Maynila.


Nauna rito, natutulog ang biktima at asawa nitong si Alma, nang tumawag sa kanyang cellphone ang suspek na si Ryan Gonzales, ng Bambang Sta. Cruz, Maynila.


Pinagbigyan naman ng biktima ang kagustuhan ng suspek na magkita sila kaya pinuntahan ang suspek, kasama ang kanyang misis.


Pagdating sa lugar ay umupo ang biktima sa tabi ng suspek na noon ay may kainumang dalawang lalaki at saka nag-usap ang dalawa.


Kasunod noon ay narinig na nagtatalo na ang dalawa at nakitang tinutukan ng suspek ang biktima ng .38 kalibreng baril sa may likurang bahagi ng tenga saka kinalabit ang gatilyo.


Matapos ang insidente ay nagmadaling tumakas ang suspek.


Inaalam na ang motibo sa krimen.


The post Mister binaril sa harap ni misis patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mister binaril sa harap ni misis patay


Bagong silang na sanggol, nilunod umano ng sariling ina sa isang timba na may tubig

Patay ang isang sanggol na walong araw na gulang pa lamang matapos umanong lunurin ng kanyang sariling ina sa timbang may tubig sa Infanta, Quezon. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Bagong silang na sanggol, nilunod umano ng sariling ina sa isang timba na may tubig


Van pinasabog, tserman lagas; 3 sugatan

NALAGAS sa malagim na pag-atake ang isang barangay chairman habang sugatan naman ang tatlong katao kabilang ang kanyang misis nang pasabugan ng bomba ang kanilang sinasakyang van sa Batangas kaninang madaling-araw, Marso 1.


Dead on arrival sa pagamutan sanhi ng shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Nestor Rodriguez, tserman ng Barangay Buso-buso.


Sugatan naman ang misis ni Rodriguez na si Josebia at ang magkapatid na sina Maximo at Jaime Sarmiento, na kapwa Konsehal sa nasabing barangay.


Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pag-atake pero isa sa sinisilip na motibo ay may kaugnayan sa pulitika.


Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling-araw sa national highay ng Laurel, Batangas.


Bago ito, lulan ang mga biktima sa isang Mitsubishi L200 na hindi nakuha ang plaka at pauwi na mula sa bahay ni Laurel Mayor Randy James Amo.


Pagsapit sa nasabing lugar, biglang may sumabog na bomba sa ilalim habang ang sasakyan ng mga biktima ay tumatakbo.


Hinala ng pulisya na itinanim sa nasabing highway ang bomba na nabatid na isang improvised explosive device (IED) at saka pinasabog nang matapat na ang sasakyan ng mga biktima.


The post Van pinasabog, tserman lagas; 3 sugatan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Van pinasabog, tserman lagas; 3 sugatan


Cargo truck sinuwag ng motor, 2 tepok

PATAY ang dalawa katao habang nasa malubhang kalagayan sa ospital ang dalawang nasugatan sa pagsalpok ng isang motorsiklo sa nakaparadang Isuzu cargo truck sa kahabaan ng National highway sa Tarinsing, Cordon, Isabela.


Ang mga namatay na lulan ng Euro single motorcycle ay sina Edmund Sumigcay, 20, ng Turod Sur, Cordon, Isabela, at Jimboy Gabayan, 19, ng Rizal, Santiago City.


Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa isang ospital sa bayan ng Cordon ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Jovic Melanio, ng Turod Sur, Cordon, Isabela, at Darwin Melanio, 23, ng Rizal, Santiago City.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Cordon Police Station, na patungo sa direksyon ng Santiago City ang motorsiklo ng hindi mapansin ang nakaparadang cargo truck sa kanang bahagi ng daan kaya sumalpok sa likurang bahagi nito.


Sa lakas ng impact ay tumilapon ang apat at namatay doon din sina Sumigcay at Galabay.


Nasa kostodiya na ng pulis ang tsuper ng nakaparadang sasakyan na kinilalang si Edwin Mariano, residente ng Pulay Buli, Sto. Domingo, Nueva Ecija at sasampahan ng kaukulang kaso.


Sinabi ni SPO4 Bernardino Labog, tagasiyasat ng Cordon Police Station na batay sa kanilang imbestigasyon ay nasa impluwensiya ng alak ang mga biktima.


Galing sila sa isang bahay sa Cordon na nagkaroon ng inuman bago sila bumiyahe patungo sa Santiago City.


The post Cargo truck sinuwag ng motor, 2 tepok appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Cargo truck sinuwag ng motor, 2 tepok


Rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ngayong araw

IPINATUPAD ngayong araw ang tapyas presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG), ng Solane, Petron at Total.


Batay sa anunsyo, aabot sa P4.68 ang ibinawas ng Solane sa presyo ng kada kilo ng kanilang LPG o katumbas ng mahigit P50 na diskuwento.


Ang Petron naman ay magbibigay ng P5.35 na rollback sa kada kilo ng Gasul at Fiesta gas habang P3.00 sa X-tend auto LPG.


Samantala, nasa P4.50 naman ang diskwento ng total sa kada kilo ng LPG.


The post Rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ngayong araw appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ngayong araw


Rape complaint ni Cabañero pinasinungalingan ng isa pang hotel

ITINANGGI rin ng isa pang hotel na binanggit ng aspiring beauty queen na si Roxanne Cabañero na roon sila nanatili nang mangyari ang sinasabing panggagahasa sa kanya ng TV host-actor na si Vhong Navarro.


Sinabi ng Millenia Suites na bagama’t sponsor sila sa Miss Bikini Philippines noong 2010, ay hindi naman tumutugma sa petsang April 24 kung kailan sinabi ni Cabañero na naganap ang rape.


Ayon sa Millenia Suites, hindi April 24 tumuloy sa kanila ang mga kandidata pero ang Miss Bikini Philippines na umano ang dapat magbigay ng detalye.


Unang sinabi ni Cabañero sa kanyang sworn affidavit na sa Astoria Plaza siya sinundo ni Vhong nang maganap ang panggagahasa pero inaming nagkamali sa binanggit na hotel matapos itanggi ng Astoria Plaza na naging sponsor sila sa pageant.


Sinabi rin ng abogado ni Cabañero na si Atty. Virgilio Batalla na nangyari ang panggagahasa sa pagitan ng Abril 24 hanggang 27, taliwas sa nakasaad sa affidavit nito na April 24, 2010 ng gabi.


Sa darating na Marso 13 itinakda ang preliminary investigation sa kasong rape na inihain ni Cabañero laban kay Vhong Navarro.


Dahil dito, lalo lamang umanong nahahayag ang pagsisinungaling ni Cabañero sa pagbanggit ng hotel na Astoria Plaza.


The post Rape complaint ni Cabañero pinasinungalingan ng isa pang hotel appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Rape complaint ni Cabañero pinasinungalingan ng isa pang hotel


P1.5B na pondo para sa CHED, aprub na

INAPRUBAHAN na ng pamahalaan ang pagpapalabas ng P1.5 bilyon para sa Commission on Higher Education (CHED).


Dahil dito, mawala man ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas, tuloy pa ring makapag-aral ang mga college students na dating nakikinabang sa naturang pondo.


Ayon kay Budget Secretary Florencio Butch Abad, bahagi ng naturang pondo ay gagamitin sa scholarship ng mga estudyante sa kolehiyo sa buong bansa na magkakahalaga ng P485 milyon.


Sa pamamagitan nito aniya ay hindi na mahihinto sa pag-aaral ang mga matatalinong estudyante sa kolehiyo na hirap sa buhay.


The post P1.5B na pondo para sa CHED, aprub na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P1.5B na pondo para sa CHED, aprub na


8 katao, kabilang ang 1 menor dakip sa drug raid sa Cavite

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang siyam katao kabilang ang isang menor-de-edad sa isinagawang drug operation sa Muslim village sa Barangay Datu, Dasmariñas Cavite.


Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP Cavite, Philippine Air Force o (PAF) at Philippine Army ang anim na bahay kasunod ng report ng talamak na bentahan ng droga sa naturang lugar na malapit lamang sa De La Salle University.


Lima sa mga naaresto ay mga lalaki samantalang 4 ang babae na kinabibilangan ng trese-anyos na dalagita.


Lima sa anim na bahay na hinalughog ng awtoridad ang nagpositibo sa droga, drug paraphernalia at P250,000 na hinihinalang kinita mula sa bentahan ng droga.


Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Maida Amiral, Maromaya Noron, at Hamsia Bonsa, pawang 18 gulang at isang 13-anyos na hindi na pinangalanan.


Nasakote rin ang mga suspek na kinilalang sina Abdulasis Ariong, Albane Mindalano, Ryan Macapaar, Disumimba at Alharty Esmael.


The post 8 katao, kabilang ang 1 menor dakip sa drug raid sa Cavite appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



8 katao, kabilang ang 1 menor dakip sa drug raid sa Cavite


Osang Fostanes pinag-aagawan na rin bilang endorser

SA ikatlong araw na pagbabalik sa bansa, halos wala pa raw pahinga ang dating Pinay caregiver na si Rose “Osang” Fostanes na tinanghal bilang first ever grand winner ng “X-Factor Israel.”


Batay sa impormasyon, abala ito at kanyang manager sa ilang kompanya ng apparel o clothing line at maging ng soda na pinag-aagawan siyang maging endorser ng kani-kanilang produkto.


Hanggang sa araw ng Martes na lamang sa Pilipinas si Fostanes at agad ding babalik sa Israel kung saan siya mayroong tatlong concerts.


Sa buwan naman ng Mayo ay naka-lineup na rin daw ang apat na shows nito sa Australia habang wala pang pinal na napag-usapan kung magko-concert din ito sa bansa.


Sa kabila ng kasikatan, tiniyak ng 47-year-old Pinay singer sa kanyang girlfriend na si Mel na mananatili itong faithful at hindi ipagpapalit ang kanilang 30 taong relasyon.


The post Osang Fostanes pinag-aagawan na rin bilang endorser appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Osang Fostanes pinag-aagawan na rin bilang endorser


Mga estudyante at guro nalason sa hamburger

NAGPAPAGALING na sa ngayon ang isang grade 6 pupil matapos isinugod sa ospital makaraang malason ng kinaing hamburger.


Ayon sa report, dumalo sa kaarawan ng kanyang kaklase ang biktimang si Annaliza, hindi tunay na pangalan, estudyante ng Notre Dame of Kabacan Incorporated (NDKI).


Kasama niya ang kanyang mga kaklase at guro.


Ilang oras lamang ang nakalipas nang makakain ng hamburger ang biktima ay nakaramdam na ito ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.


Maliban sa nasabing estudyante, sumama rin ang pakiramdam ng pito pang mga kamag-aral nito at ng kanilang mga guro.


Si Annaliza lamang ang hindi nakayanan ang pananakit ng tiyan kaya’t siya lamang ang isinugod sa Kabacan Polymedic Hospital.


Batay sa resulta ng eksaminasyon ng doktor, nalaman na sumakit ang tiyan nito dahil sa pagkalason, maliban pa sa pag-atake ng acute gastritis na karamdaman nito.


The post Mga estudyante at guro nalason sa hamburger appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga estudyante at guro nalason sa hamburger


Maitum, Sarangani mayor patay sa ambush

PATAY ang alkalde ng Maitum, Sarangani Province matapos tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek.


Kinilala ng Maitum PNP ang nasabing opisyal na si Mayor George Perret, mister ng dating alkalde ng naturang bayan na si Elsie Perret.


Sa impormasyon, pauwi na ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang bodyguard nang nangyari ang insidente.


Hindi pa alam ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa krimen.


Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.


The post Maitum, Sarangani mayor patay sa ambush appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Maitum, Sarangani mayor patay sa ambush


Kawani ng Capelco, nagbaril sa sarili, utas

PATAY ang isang kawani ng Capiz Electric Cooperative (Capelco) na pinaniniwalaang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa loob ng kanyang silid sa Block 6, Malipayon Village, Barangay Tiza, Roxas City.


Dead on arrival sa Roxas Memorial Provincial Hospital si Ryan Bofil, 38, isang meter reader ng Capelco matapos matagpuang duguan sa kanyang silid habang nasa tabi ang .38 caliber revolver.


Napag-alaman na nakarinig ng putok ng baril ang pamilya ng biktima at nang magtungo sa kanyang silid, nadatnan na itong nakahandusay.


Inihayag naman ng mga kamag-anak ni Bofil na wala silang nakitang motibo upang magpakamatay ang biktima.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.


The post Kawani ng Capelco, nagbaril sa sarili, utas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kawani ng Capelco, nagbaril sa sarili, utas


PNoy balik-Pinas matapos ang 2-day state visit sa Malaysia

BALIK-PILIPINAS na si Pangulong Noynoy Aquino matapos ang dalawang araw na pagbisita sa Malaysia.


Alas-3:00 kaninang madaling-araw nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Aquino kung saan sinalubong siya nina AFP Chief of Staff Manuel Bautista, PNP Chief Alan Purisima at DND Sec. Voltaire Gazmin.


Sa kanyang arrival speech sinabi ng Pangulo na bagamat mabilis lamang ang kanyang two-day visit sa Malaysia pero naging mabunga naman ito.


Ayon kay Pangulo, mainit ang pagtanggap sa kanya ng Filipino community sa Malaysia na kung saan may ilang may magandang puso ang nag-ambagan para ipa-renovate ang embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur.


Naging makabuluhan din ang pagpupulong nila ni Malaysian Prime Minister Najib Razak at nagkasundo silang paigtingin ang kalakal ng dalawang bansa.


Inanunsyo rin Pangulo na nagkasundo sila ni Razak na idadaan sa peaceful settlement ang problema sa pinag-aagawang teritoryo at nagkaroon ng pagkakataong repasuhin at pag-aralan ang namamagitang “defense relations” ng Pilipinas at Malaysia.


The post PNoy balik-Pinas matapos ang 2-day state visit sa Malaysia appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy balik-Pinas matapos ang 2-day state visit sa Malaysia


2 Pinoy utas sa Qatar blast!

MANILA, Philippines - Dalawang Pinoy ang nasawi habang dalawa pang kasamahang OFW ang malubhang nasugatan sa naganap na pagsabog ng isang tangke ng gas sa is .. Continue: Philstar.com (source)



2 Pinoy utas sa Qatar blast!


3 Pinoy guilty sa gun smuggling sa US

MANILA, Philippines - Tatlong Pinoy ang sinentensyahan ng apat hanggang pitong taong pagkakakulong dahil sa pagpupuslit ng matataas na uri ng armas sa Estado .. Continue: Philstar.com (source)



3 Pinoy guilty sa gun smuggling sa US


Kalbaryo ng MRT riders aabot sa 2016

MANILA, Philippines - Tatagal pa ng hanggang 2016 ang kalbaryo ng mga sumasakay sa Metro Rail Transit (MRT) dahil sa naturang taon pa darating ang full deliv .. Continue: Philstar.com (source)



Kalbaryo ng MRT riders aabot sa 2016


Banta ni Jinggoy blackmail - De Lima

MANILA, Philippines - Tinawag ni Justice Secretary Leila de Lima na isang blackmail ang banta ni Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



Banta ni Jinggoy blackmail - De Lima


Organ donation sign-up pang-Guinness

MANILA, Philippines - Isinagawa kahapon ang organ donation re­gistration campaign na pinangunahan ng Department of Health (DOH) at Philippine Network for Org .. Continue: Philstar.com (source)



Organ donation sign-up pang-Guinness


Burial benefits ng mga beterano gagawing P30K

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong itaas sa P30,00 ang burial benefits ng mga natitirang beterano sa bansa mu .. Continue: Philstar.com (source)



Burial benefits ng mga beterano gagawing P30K


Bading, tibo sa PNP takot magladlad

MANILA, Philippines - Marami pa rin sa kapulisan ang takot na magladlad ng kanilang tunay na ‘identity’ o pagkatao lalo na ang mga bading at tomboy dahil aya .. Continue: Philstar.com (source)



Bading, tibo sa PNP takot magladlad


GoSakto ng Globe Telecom wagi

MANILA, Philippines - Nagwagi ang Globe Telecom sa Best Mobile Service category sa ginanap na 19th Annual Global Mobile Awards na inorganisa ng GSM Associati .. Continue: Philstar.com (source)



GoSakto ng Globe Telecom wagi


Double standard na admin ni PNoy pinuna

TINAWAG ni Navotas Rep. Toby Tiangco na double-standard justice ang pinaiiral sa ilalim ng administrasyong Aquino.


Binigyang diin ito ni Tiangco sa aniya’y inilunsad na ‘Destroy Binay’ plot ng gobyerno.


Pangunahing pinuna ng kongresista ang Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman dahil sa namimili lamang ito ng dapat kasuhan kabilang na si dating Makati Mayor Elenita Binay.


Politika o ang nalalapit na 2016 election ang nakikitang dahilan ng United Nationalist Alliance na pinamumunuan nina Vice Mayor Jejomar Binay at Manila Mayor Erap Estrada upang kalkalin pa ng administrasyong Aquino ang kaso laban kay Ginang Binay na dinismis na noon pang 2011.


Hindi lamang aniya ang mga Binay kundi ang iba pang kaalitan sa politika ang tila pinaghihigantihan ng administrasyong Aquino.


Banggit pa ni Tiangco na kapag kakampi aniya sa politika ay binibigyang proteksyon at kinukunsinti lalo na sa isyu ng DAP samantalang kapag hindi kaalyado sa politika ay binubuhay ang mga matagal ng nailibing na kaso.


Pinaalalahanan pa ni Tiangco ang Ombudsman na huwag magpagamit sa Malakanyang dahil sisirain nito ang integridad ng tanggapan.


The post Double standard na admin ni PNoy pinuna appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Double standard na admin ni PNoy pinuna


Bebot na accountant itinumba sa Bulacan

PATAY ang isang babaeng accountant nang pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay sa Balagtas, Bulacan, kaninang umaga.


Kinilala ang biktima na si Evelinda Tamares.


Sa imbestigasyon, nasa gate ng kanyang bahay si Tamares nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek.


Sa inisyal na imbestigasyon, galing ang biktima sa Metrobank Balagtas branch at nag-withdraw ng ipampapa-suweldo sa kanilang mga trabahante nang pagdating sa kanilang gate sa Violeta Subdivision sa Guiguinto, ay lapitan ng apat na lalaki at pinagbabaril.


Nang humandusay ang biktima ay kinuha ng mga ito ang perang bitbit na pera ng bikima.


Tinatayang nasa P150,000 ang natangay na payroll money ng mga salarin.


The post Bebot na accountant itinumba sa Bulacan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot na accountant itinumba sa Bulacan


Bagong pambansang mga simbolo isinusulong

arnis


INILATAG ni Bohol Representative Rene Relampagos na gawing pambansang tsinelas ang bakya at pambansang pagkain ang “adobo” sa Kamara.


Bukod sa mga nabanggit, gusto rin ni Relampagos na gawing pambansang bahay ang Bahay Kubo, Jeepney bilang pambansang sasakyan; Arnis bilang pambansang martial arts at sport; Cariñosa bilang pambansang sayaw; PH monkey eating eagle bilang pambansang ibon; Kalabaw bilang pambansang hayop; Bangus bilang pambansang isda; Narra bilang pambansang puno; PH pearl bilang pambansang hiyas; Sampaguita bilang pambansang bulaklak; Anahaw bilang pambansang dahon; at Mangga bilang pambansang prutas.


Ayon kay Relampagos, ito ay para magkaroon ng kongkretong depinisyon ang mga pambansang simbolo ng Pilipinas.


The post Bagong pambansang mga simbolo isinusulong appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong pambansang mga simbolo isinusulong


Meralco pinagpapaliwanag sa February billing

BINIGYAN ng limang araw ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) para ipaliwanag ang ipinatupad na bagong billing statement ngayong Pebrero.


Ito ay makaraang batikusin ng mga consumer ang hakbang ng Meralco na nagdulot ng kalituhan.


Sinabi ni Valte na batay sa rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI), hindi dapat bayaran ng mga consumer ang panibagong billing statement ng Meralco.


Una nang iginiit ng Meralco na tanging ang “current charges” ang babayaran ng mga konsyumer, hindi ang “total amount due”.


Posible namang pagmultahin ng P50,000 ang Meralco kung mapapatunayang may paglabag sa nasabing billing.


The post Meralco pinagpapaliwanag sa February billing appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Meralco pinagpapaliwanag sa February billing


Danny Granger to sign with Clippers

FORMER Indiana Pacers star Danny Granger reportedly informed general manager/coach Doc Rivers on Thursday night that he will sign with the Los Angeles Clippers.


Granger is set to clear waivers to become a free agent on Friday at 5 p.m. ET.


The Indiana Pacers traded Granger, 30, to the Philadelphia 76ers a week ago, clearing the way for his contract to be bought out.


Granger will be a free agent in the summer, and financial limitations with the Clippers’ roster and payroll make it doubtful that he’ll be anything but a rental for the rest of the season.


Philadelphia acquired Granger and a future second-round draft pick in a deal with Indiana for Evan Turner and Lavoy Allen on Thursday. Granger is in the final year of his contract, earning $14 million. Philadelphia is engaged in a tear-down of its roster, gathering draft picks to rebuild with young players.


A combination of injuries and the emergence of Paul George reduced Granger’s role with the Pacers. He was an All-Star in the 2008-09 season with an average of 25 points per game. Noli Cruz


The post Danny Granger to sign with Clippers appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Danny Granger to sign with Clippers


Danny Granger to sign with Clippers

FORMER Indiana Pacers star Danny Granger reportedly informed general manager/coach Doc Rivers on Thursday night that he will sign with the Los Angeles Clippers.


Granger is set to clear waivers to become a free agent on Friday at 5 p.m. ET.


The Indiana Pacers traded Granger, 30, to the Philadelphia 76ers a week ago, clearing the way for his contract to be bought out.


Granger will be a free agent in the summer, and financial limitations with the Clippers’ roster and payroll make it doubtful that he’ll be anything but a rental for the rest of the season.


Philadelphia acquired Granger and a future second-round draft pick in a deal with Indiana for Evan Turner and Lavoy Allen on Thursday. Granger is in the final year of his contract, earning $14 million. Philadelphia is engaged in a tear-down of its roster, gathering draft picks to rebuild with young players.


A combination of injuries and the emergence of Paul George reduced Granger’s role with the Pacers. He was an All-Star in the 2008-09 season with an average of 25 points per game. Noli Cruz


The post Danny Granger to sign with Clippers appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Danny Granger to sign with Clippers


Lalaking nagpapalit ng pekeng tseke at gumagamit ng pekeng police ID, nasakote ng tunay na pulis

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki na nagtangkang magpa-cash ng pekeng tseke at gumagamit din umano ng pekeng ID ng pulis sa kaniyang modus-operandi sa Davao City. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Lalaking nagpapalit ng pekeng tseke at gumagamit ng pekeng police ID, nasakote ng tunay na pulis


Nakitang bangkay sa Taguig City, mag-ina; suspek sa krimen, live-in partner ng babae

Nahuli na ang suspek sa pagpatay sa isang babae at bata na natagpuan sa Taguig City nitong Huwebes. Sa ulat ng GMA News TV's "QRT" nitong Biyernes, lumitaw na mag-ina ang mga biktima, at habang live-in partner ng babae ang suspek. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Nakitang bangkay sa Taguig City, mag-ina; suspek sa krimen, live-in partner ng babae


Pangasinan, may mahigit 100 kaso ng leprosy mula noong 2013; mga pasyente, gumaling

Naglunsad ng programa ang lokal na pamahalaan ng Pangasinan para matutukan ang mahigit 100 nilang kababayan na nagka-ketong noong nakaraang taon na pawang gumaling na. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pangasinan, may mahigit 100 kaso ng leprosy mula noong 2013; mga pasyente, gumaling


P89M jackpot prize sa lotto nasungkit ng Batangueño

NASUNGKIT ng isang taga-Batangas ang mahigit P89 milyon jackpot prize mula sa 6/49 Super Lotto habang walang nakakopo sa 6/55 Grand Lotto na magkasunod na binola kagabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.


Napag-alaman kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, isang taga-Lipa City ang tumaya sa pamamagitan ng lucky pick kung saan nakuha ang kombinasyong 30-44-45-07-39-48 na may katumbas na P89,065,812.00 papremyo ng 6/49 Super Lotto.


Kaugnay nito, inaasahang aabot sa mahigit P77 milyon ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto matapos wala isa mang nakasungkit sa kombinasyong 54-17-28-55-23-05 na may katumbas na premyong P72,648,656.00.


Pinayuhan naman ni Rojas ang nagwagi na iwasang malukot, mabasa, mainitan o malagyan ng anumang mantsa ang hawak na tiket upang hindi mabalewala ang kanyang panalo.


Tanging ang may-hawak aniya ng nagwaging tiket ang makakakuha lamang ng kabuuang premyo.


The post P89M jackpot prize sa lotto nasungkit ng Batangueño appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P89M jackpot prize sa lotto nasungkit ng Batangueño


P.4M shabu nasabat sa 3 sa Dagupan

DAGUPAN CITY – Mahigit sa P400,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya na binalot sa candy wrapper ang nakuha sa mga naarestong suspek sa isinagawang buy-bust operations noong Huwebes ng gabi.


Kinilala ni Dagupan City chief of police Supt. Christopher Abrahano, ang mga suspek na si Bulao Jamal, 30, tubong Marawi City, ng Dagupan City at dalawang menor-de-edad.


Sa imbestigasyon, bago nangyari ang buy-bust operation ay nakatanggap ang lokal na pulis ng intelligence report na si Jamal ay nagsu-supply ng shabu sa syudad at kalapit bayan nito.


Isang surveillance ang isinagawa ng police at nagkaroon ng buy-bust operation ng mag-deliver umano ang suspek gamit ang dalawang menor-de-edad sa isang customer sa Dagupan City.


Dalawang agent ng PNP ang tumayong shabu buyer at nagkuwaring bumili ng ipinagbabawal na gamot.


Para hindi halatado, ginamitan ng mga suspek ng candy wrapper para pambalot sa shabu.


Nakumpiska ng mga police ang 22 sachet ng shabu at marked money na ginamit sa buy-bust operation.


Nakakulong na ang tatlong suspek.


The post P.4M shabu nasabat sa 3 sa Dagupan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P.4M shabu nasabat sa 3 sa Dagupan


Muntik mag-suicide dahil depress!

MALUGOD na nagpaunlak ng interbyu sa amin ang komedyante g si Wally Bayola nu’ng magkita kami sa 10th anniversary ng Zirkoh Comedy Bar. Sa unang pagkakataon ay inilahad ni Wally ang pinagdaanan niya sa sex video scandal nila ng EB Babe Yosh Rivera.


“Nu’ng nakita ko na lumabas na sa social media ‘yun (sex video), hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagkulong ako sa kuwarto. Pumasok pa sa isip ko na tapusin ko na nga, eh. ‘Yung gusto ko nang magbaril sa sarili,” lahad ni Wally


Kinuha raw niya ang kanyang baril sa loob ng kuwarto nila ng misis niya at sa harap ng computer niya, walang tigil ang paghimas-himas niya sa kanyang baril.


“Konting-konti na lang puwede na siyang sumabog. Biglang nag-ring ang telepono. Parang save by the bell. Tumawag sa akin ‘yung NBI. After ng pag-uusap namin, nakalimutan ko na ‘ng balak ko na pagpapakamatay.


“Ang ginawa ko, tinawagan ko si Jose (Manalo). Tinawagan ko rin ‘yung ibang kasama ko sa ‘Eat Bulaga.’ Hindi sila sumasagot. Siguro mga tulog na kasi madaling-araw na ‘yun.


“Si Jose, hindi rin sumagot sa tawag ko. Kaya nag-text ako sa kanya. Maya-maya sumagot siya. Sabi ko kausapin niya ako. Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan. Dumaan din ako sa matinding problema, nakaya ko. Kaya mo rin!


“Tapos sabi pa niya, ‘Puntahan mo ang anak mo sa ospital. Pumuntahan mo siya ngayon. Pumunta ka ng ospital.’


“Pagkatapos naming mag-usap, punta agad ako sa anak ko. Paglapit ko sa anak ko, hindi pa ako nagsasalita, sabi niya, ‘Ikaw kasi Papa, e.’


“Sabi niya magdasal kami. Nag-lead siya ng prayer, kaming tatlo ng asawa ko, magkakahawak-kamay kami. Habang nagdadasal kami, grabe ang iyak ko. Doon lang ako nakaiyak ng ganoon. Pero pagkatapos naming magdasal, gumaan ang pakiramdam ko,” maiyak-iyak na kuwento ni Wally.


Grabe raw ang depresyon niya nu’ng time na ‘yun. Hindi nga raw siya makakain at ayaw lumabas ng kuwarto niya. Kasunod noon, ilang buwan siyang walang trabaho.


Kaya siya na mismo ang tumawag sa manager niya at executive ng “Eat Bulaga” na si Malou Fagar para payagan siya na makabalik kahit sa Zirkoh para magkaroon ng income. Pero hindi lang sa Zirkoh nakabalik ngayon si Wally, kundi pati na sa “Eat Bulaga.”


-ooOoo-


IPAPALABAS na ngayong Sabado ang much-awaited episode ng komedyanteng si Pokwang sa “Maalaala Mo Kaya. Isang matiising asawa at masipag na ina ang karakter na bibigyang buhay ni Pokwang sa nasabing drama anthology ng ABS-CBN.


Gaganap siya bilang si Mely, ang maybahay na nagbulag-bulagan sa pambababae ng kanyang mister upang mapanatiling buo ang kanyang pamilya. Paano naikubli ni Mely mula sa kanyang mga anak ang kasalanan ng kanyang asawa? Ano ang kwento sa likod ng 15 taon niyang pag-iikot sa mga kalye ng Bacolod para magbenta ng arrozcaldo?


Bahagi rin ng “MMK” episode ni Pokwang sina Emilio Garcia, Marco Gumabao, Lance Lucido, Beauty Gonzalez, Althea Guanzon, Brian Poe Llamanzares, Celine Lim, Aaron Junatas, Abby Bautista, Jun Urbano, Jef Gaitan, Yda Yaneza, at Carla Guevarra. Ang episode ay idinerek ni Garry Fernando, sinulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos at isinaliksik ni Michelle Joy Guerrero.


Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna at executive producer na si Lindsay Anne Dizon. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN.


The post Muntik mag-suicide dahil depress! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Muntik mag-suicide dahil depress!


Tirador ng mga Bumbay nadakip

NADAKIP ang sinasabing tirador ng mga Indian national makaraang mambiktima sa Valenzuela City Huwebes ng tanghali, Pebrero 27.


Kinilala ang suspek na si Rommel Madrigal, 24, ng Calle Onse St., Gen. T. De Leon, nasabing lungsod.


Sa ulat, alas-12:05 ng tanghali, hinoldap ng suspek si Labhaya Ram, 53 sa Gen. T. De Leon Road at habang nakatutok ang patalim ay sinabihan ang huli na “Akin na ang pera, pag hindi mo bigay, papatayin kita”.


Hindi na nakagalaw ang biktima nang kunin ng suspek ang kanyang wallet at P200 sa bulsa bago pinababa sa motorsiklo ang una sabay sakay ng huli at nagmamadaling pinasibad.


Nakapagsumbong naman sa mga rumorondang mga pulis ang biktima at nadakip ang suspek na naging dahilan upang mabawi ang motorsiklo at P200 ng bumbay.


The post Tirador ng mga Bumbay nadakip appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tirador ng mga Bumbay nadakip


Mark Herras’ name is now synonymous with screwing a road manager!

AFTER the straightforward avowal of Mark Herras regarding his infidelity and fathering a baby with his road manager a few years senior than him, he became the butt of joke of a Kapamilya young actress and a female friend at a coffee shop.


“Mars, ingatan mo ‘yang Papa mo, baka ma-Mark Herras ka. Remember, pretty din ‘yung road manager niya. You can’t trust them nowadays!” jokingly warned the female friend.


“Oo nga e. Mark Herras opened my eyes, e, napaka-horny pa naman ni ______. ‘Yon nga ‘yung topic namin the other night and I was making kulit, ayun, na-pissed off siya, ha, ha, ha!


“But I’m telling you Mars, ayokong ma-Mark Herras!” the actress seriously pronounced.


Mark Herras is now synonymous to screwing a road manager, ha, ha, ha!


Clue? This chubby but luscious Kapamilya actress is always outspoken and candid whenever his equally chubby and popular Papa is the topic especially when both of them are sober…getz?


-0-


PAULINE AGUILAR of Walang Tulugan ni Master Showman was in her usual jolly mood and in high spirits when she graced the 22nd anniversary of Remate at the National Press Club and being a dedicated performer, she stayed a couple of hours after she belted a song which was really appreciated by our boss, Benny Antiporda.


Pauline was also requested by our dear publisher to pick five winners of Suwerte sa Remate out of thousands of participants and she gamely jumped into the pool of entries on stage.


Anyway, her determination in pursuing her goal is paying off because she is actually up to another challenging role in an indie film which will be shot soon.


Yes, she is still a newbie in the biz but she has done several indie films, stage musical and TV commercials and a lot of out of town appearances under her sleeves and with a talent like Pauline, she is obviously on her way to success.


-0-


TOKEN LIZARES is not tagged as The Charity Diva for nothing.


Without exaggeration, her positive aura and her generosity towards others is very obvious on her character especially when you are being touched or hugged by her.


Token’s smile is unquestionably viral. She is like a medicine that can cure desolation. There is never a dull moment when you are with Token.


To see is to believe so try to catch her on her charity concert, “My Token of Love” on March 22 at the Teatrino, Greenhills. Her guests include German Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, AJ Tamisa, Le Chazz and The Crooner, Richard Poon. All of the proceeds of the confert will go to the Holy Family Bacolod Foundation.


Break a leg, Token!


-0-


For reactions, please text 09184194480.


The post Mark Herras’ name is now synonymous with screwing a road manager! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mark Herras’ name is now synonymous with screwing a road manager!


PASAKIT SA AMIN YAN!

Nagprotesta sa harap ng Supreme Court ang mgaq pasyente ng Phil.Orthopedic Hospital para tutulan ang pagsasa pribado ng orthopedic na magiging pahirap sa mga pasyente.(Rene Sandajan)

NAGPROTESTA sa harap ng Supreme Court ang mga pasyente ng Philippine Orthopedic Hospital para tutulan ang pagsasapribado nito na magiging pahirap sa mga pasyente.



The post PASAKIT SA AMIN YAN! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PASAKIT SA AMIN YAN!


Adobo isinusulong sa Kamara bilang national food

MANILA, Philippines – Itinutulak ng isang mambabatas ang pagdeklara sa ulam na Adobo bilang pambansang ulam ng Pilipinas. .. Continue: Philstar.com (source)



Adobo isinusulong sa Kamara bilang national food


Judge sa Zamboanga City, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang hukom matapos siyang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo sa Zamboanga City. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Judge sa Zamboanga City, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem


KAYA TRAPIK!

Naging dahilan ng pagsisikip ng trapiko dito sa Taft Ave.Malate Maynila dahil sa drainage project ng DPWH.(Rene Sandajan)

NAGING dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa Taft Ave. Malate, Maynila ang drainage project na ito ng DPWH.



The post KAYA TRAPIK! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAYA TRAPIK!


Helper patay sa makulit na kasamahan

PATAY ang isang helper matapos saksakin ng lasing na kasamahan makaraan ang pagtatalo nang mangulit ang huli sa Caloocan City Huwebes ng umaga, Pebrero 28.


Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Freddie Tayong, 30, ng Binangonan, Rizal.


Nadakip naman si Warlito Santiago, 40, ng Capiz City.


Sa ulat, alas-10 ng umaga, nasa tapat ang biktima sa Juneco Trucking sa A. Del Mundo St., nang lapitan ng lasing na suspek at kulitin.


Naasar ang biktima na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at tarakan ang una.


Dinala sa CMC ang biktima habang nadakip ang suspek ng mga tanod na rumesponde.


The post Helper patay sa makulit na kasamahan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Helper patay sa makulit na kasamahan


Tricycle driver patay sa 2 habang namamasada

TODAS ang isang tricycle driver matapos putukan ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang namamasada ang una sa Caloocan City kagabi, Pebrero 27.


Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa batok si Armando Guacena, 38, ng Palon St., ng lungsod.


Sa ulat, alas-7 ng gabi, namamasada ang biktima sa Florencia St., ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek at putukan ang una.


Tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga una.


The post Tricycle driver patay sa 2 habang namamasada appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tricycle driver patay sa 2 habang namamasada


Anong mga bagay ang dapat na ideklarang pambansang simbolo?

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong ipadeklarang pambansang simbolo ang ilang bagay. Kabilang na rito ang paboritong ulam ng mga Pinoy na "adobo," bilang pambansang pagkain. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Anong mga bagay ang dapat na ideklarang pambansang simbolo?


Thursday, February 27, 2014

Pagpatutupad ng truck ban sa Maynila, binalot ng tensyon

Nabalot ng tensiyon ang pagpatutupad ng truck ban sa Maynila nitong Biyernes ng umaga, kung kailan ilang mga drayber ng trak ang naaresto. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pagpatutupad ng truck ban sa Maynila, binalot ng tensyon


TRUCK BAN IN CALOOCAN, NAVOTAS

arlie-calalo41 IT’S just timely and proper a move of the Sangguniang Panlunsod of Caloocan to call for a public hearing prior to its planned amendments on its own truck ban as Mayor Oca Malapitan himself doesn’t want its roads to be transformed into a huge parking area for truck drivers waiting for the lifting of the ban in nearby Manila.


According to former barangay chairman-turned-Councilor Onet Henson, it’s imperative that a public dialog is conducted in order to effectively hear the sides of the stakeholders, a wise move, really.


The measure’s main proponent, she reveals that the council led by its presiding officer Vice Mayor Maca Asistio III is in the process of amending the existing truck ban which had actually passed the first reading.


“There is already an existing truck ban in the city and we’re just amending it to regulate the traffic which would inadvertently be affected by the truck ban in Manila,” says Henson, the daughter of former congresswoman Aurora “Nene” Henson and niece of ex-mayor Macario “Boy” Asistio and ex-Rep. Baby Asistio.


Under the plan, cargo trucks passing along EDSA from Monumento to Quezon City, the stretch of Samson Road from Sangandaan to Monumento, Mabini to C-3 Road, Rizal Avenue Extension from the Bonifacio Monument Circle to the boundary of Manila, and the stretch of Dagat-Dagatan Avenue, will be affected.


She adds: “The law is being passed to respond to pressing needs to alleviate traffic congestion in the major thoroughfares of Caloocan City following the truck ban of Manila.”


Both Mayor Oca and Vice Mayor Asistio have expressed full support for the immediate amendments of the existing truck ban in the city.


“There’s really a need to amend the law in order to prevent Caloocan’s roads and streets from being used as parking space by truck drivers who’re waiting for the lifting of the truck ban in Manila,” Mayor Oca declares.


Meantime, personnel of the city’s department of public safety and traffic management as well as the police will be deployed along the major thoroughfares and even secondary roads in order discourage truck drivers from parking along the highways.


“It will take at least 10 days, at the very least, before we could come up with a law implementing our own truck ban because there are process to be followed, including public consultation. But we are determined to implement it,” the Caloocan chief executive says.


In nearby Navotas, Mayor John Rey Tiangco says that the truck ban in Manila had practically eased the traffic situation in the coastal city.


“It is good on our part but we would like to strictly enforce the law against truck drivers who are illegally parking their trucks within our city while waiting for the lifting of the ban in Manila,” Tiangco similarly vows.


It was learned that the repercussion of the truck ban in Manila is expected to affect the Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area.


The post TRUCK BAN IN CALOOCAN, NAVOTAS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TRUCK BAN IN CALOOCAN, NAVOTAS


Jinggoy, nagbantang harangin ang kumpirmasyon ni Heidi Mendoza

Matapos isangkot ng Commission on Audit sa pork barrel fund scam, nagbanta si Sen. Jinggoy Estrada na haharangin niya ang kumpirmasyon ng isa sa mga opisyales ng ahensiya. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Jinggoy, nagbantang harangin ang kumpirmasyon ni Heidi Mendoza


10 katao, inaresto; shabu, nakumpiska sa raid sa Cavite

Hindi bababa sa 10 pinaghinalaang drug dealers ang inaresto habang hindi pa nalalamang halaga ng shabu ang nakumpsika sa isang raid madaling-araw nitong Biyernes sa probinsiya ng Cavite. .. Continue: GMANetwork.com (source)



10 katao, inaresto; shabu, nakumpiska sa raid sa Cavite


NU, Ateneo matira ang matibay bukas

NAKATAKDANG maghatakan pababa ang National University Lady Bulldogs at Ateneo Lady Eagles dahil isang mali ay paniguradong matitikwas sa nagaganap na stepladder semifinals ng 76th UAAP women’s volleyball tournament.


Rubber match ang labanan ng Lady Bulldogs at Lady Eagles na magsisimula bukas ng alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum


Nakahirit ng do-or-die ang Ateneo matapos manalo noong Miyerkules sa NU, 25-17, 12-25, 31-29, 28-26 na ginanap sa The Arena San Juan.


Ang magwagi sa pagitan ng NU at Ateneo ang hahamon sa naghihintay na defending champions La Salle Lady Spikers na dumiretso agad sa Finals matapos walisin ang 14-game eliminations round.


Dadalhin ng Lady Spikers ang thrice-to-beat advantage sa Finals kaya naman malaki ang tsansa nilang iuwi ang titulo.


Nagawang pantayan ni league-top scorer Alyssa Valdez ang kanyang season-high 29 hits subalit si libero Denden Lazaro ang malaking naitulong sa Ateneo para humaba ang kanilang buhay.


Balikatan ang labanan ng Ateneo at NU sa third stanza kung saan ay lumabas ang tikas ni Lazaro.


Nakapagtala si Lazaro ng 13 digs at pitong receptions habang si Ella de Jesus na tinanghal na best player of the game ay may 16 hits at tatlong service winners.


Sa panalo ng Ateneo ay napalundag ng todo sa tuwa ang coach ng Ateneo na si Anusorn Bundit na isang Thailander.


Samantala, alas dos naman ng hapon uumpisahan ang men’s finals sa pagitan ng defending champions NU Bulldogs at Ateneo Blue Eagles.


Bago sumampa ang NU at Ateneo sa finals, pinagpag muna nila ang Adamson Falcons at Far Eastern University Tamaraws sa semis ayon sa pagkakasunod.


The post NU, Ateneo matira ang matibay bukas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NU, Ateneo matira ang matibay bukas


Judge patay sa ambush sa Zamboanga

KUNG sa Quezon City ay sinasakal ang isang state prosecutor ng mismong presong hinatulan nito, inambus naman ang isang judge sa Zamboanga City kaninang umaga, Pebrero 28.


Dead on arrival sa pagamutan sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Zamboanga City Judge Reynerio Estacio ng Regional Trial Court (RTC) Branch 23.


Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nasa likod ng krimen pero isa sa mga sinisilip na motibo ay may kaugnayan sa mga kasong hinahawakan ng biktima.


Naganap ang insidente dakong 8:45 ng umaga sa tapat ng babay ng biktima


Bago ito, kasasakay lang ng biktima sa kanyang kotse at nasa tapat pa ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima na nagmamaneho ng sasakyan.


Nitong Huwebes lamang ng umaga, sinakal naman ng presong si Onefre Surat Jr. Si QC-RTC state prosecutor Judge Richard Fadullon pagkalabas nito ng mismong court room na kanyang pinagbasahan ng sakdal sa nasabing preso.


Sinasabing sa harapan nakaposas ang dalawang kamay ni Surat Jr. Kaya nasakal nito sa galit si Fadullon.


Kaugnay nito, nagpahayag na ng pagkadismaya ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pamamaslang sa itinuturing na haligi ng Zamboanga City Hall of Justice na si Estacio at sa nangyaring pagsakal kay Fadullon.


The post Judge patay sa ambush sa Zamboanga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Judge patay sa ambush sa Zamboanga


448 bagong kaso ng HIV-AIDS naitala

KABUUANG 448 bagong kaso ng HIV-AIDS infections ang naitala sa bansa nitong Enero, 2014, kung saan pito sa kanila ang pawang patay na.


Ito ay batay sa ulat ng Department of Health (DOH).


Ayon sa DOH, bunsod ng naitalang mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 16,964 ang kabuuang bilang ng sakit na naitala sa bansa, simula taong 1984, kung kailan sinimulang mahigpit na i-monitor ng DOH ang HIV infections sa Pilipinas.


Sa ulat ng Philippine HIV and AIDS Registry ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang 448 bagong kaso ng sakit nitong Enero ay mas mataas ng 18 porsiyento sa 380 kaso na naitala noong Enero, 2013.


Sa naturang bilang, 57 ang full blown AIDS na nang naiulat at pito sa kanila, na pawang lalaki, ang iniulat na nasawi na.


Lumilitaw na ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi ay nasa pagitan ng 25-29 age group (57%), kasunod ang 20-24, 30-34 at 50-pataas, na may tig-14%.


Karamihan o 444 mga bagong biktima ng sakit ay nahawa dahil sa pakikipagtalik, kung saan 85% nito ay mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki habang ang apat namang iba pa ay dinapuan ng sakit dahil sa paggamit ng iisang karayom ng mga drug user.


The post 448 bagong kaso ng HIV-AIDS naitala appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



448 bagong kaso ng HIV-AIDS naitala


Respondents sa Navarro case, pinasisipot sa DoJ

LALONG madidiin sa kaso kapag hindi pa rin sumipot ang iba pang respondent na dawit sa naganap na pambubugbog sa TV/Host actor Vhong Navarro.


Ito ay makaraang ipatawag ngayong araw ng Department of Justice (DoJ) ang iba pang mga respondent na dawit sa nangyaring pambubugbog kay Navarro na kapwa kasamahan nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.


Ipina-subpoena ng DoJ panel of prosecutors sina JP Calma at Jeff Fernandez para magsumite ng kanilang kontra salaysay.


Napag-alaman na sa nakaraang pagdinig ay sumipot sina Cedric Lee, kapatid nitong si Bernice, Deniece Cornejo at Simeon Raz.


Sa preliminary investigation, inanunsyo ng DoJ panel of prosecutor na “submitted for resolution” na ang reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, illegal arrest at blackmail na inihain ni Navarro laban sa grupo nina Lee at Cornejo.


Ito’y dahil nasa apat lamang ang nakapagsumite ng counter affidavit.


The post Respondents sa Navarro case, pinasisipot sa DoJ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Respondents sa Navarro case, pinasisipot sa DoJ


Pagbebenta ng softdrinks sa eskuwelahan ibabawal na

INILALATAG ngayon sa Kongreso ang panukalang batas para ipagbawal ang pagbebenta ng softdrinks sa mga paaralan.


Ang panukala ay tinutulak sa Kongreso sa pamamagitan ng House Bill 4021 o ang Healthy Beverage Options Act.


Maliban sa softdrinks, ipagbabawal din ang pagbebenta ng punches, iced tea, fruit-based drinks na may dagdag na pampatamis o yung fancy fruit juice at mga inuming may caffeine.


Batay sa isinagawang pag-aaral, hindi nakabubuti sa kalusugan ng mga bata ang mga soda o softdrinks.


Nakasaad sa panukala na papatawan ng P100,000 multa ang mga lalabag sa naturang batas.


The post Pagbebenta ng softdrinks sa eskuwelahan ibabawal na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbebenta ng softdrinks sa eskuwelahan ibabawal na


2 Pinoy patay, 3 pa sugatan sa pagsabog sa Qatar

MANILA, Philippines – Dalawang Pinoy ang nasawi sa pagsabog ng isang gas tank sa isang restaurant sa Doha, Qatar nitong Huwebes. .. Continue: Philstar.com (source)



2 Pinoy patay, 3 pa sugatan sa pagsabog sa Qatar


Koreano natagpuang patay sa resort sa Occidental

PATULOY ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pagpapakamatay ng isang Korean national na natagpuang wala nang buhay sa isang resort sa Negros Occidental.


Nasa advance state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng Korean national na si Sein Jang, 54, sa isang cottage sa Mambukal Mountain Resort sa bayan ng Murcia alas-8:30 kahapon ng umaga.


Batay sa imbestigasyon, nag-check-in ang dayuhan noong Pebrero 5, 2014 at huling nakita noong Pebrero 23.


Papalitan sana ng roomboy ang beddings sa loob ng cottage ng dayuhan ngunit walang bumukas sa pinto at may napansin siyang masangsang na amoy.


Dahil dito, pinuwersang buksan ng mga empleyado ang pinto at tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na may tali sa leeg gamit ang neck tie at nakakabit sa headboard ng kanyang higaan.


Batay sa pagsusuri sa crime scene, sinabi ni Negros Occidental police provincial office director S/Supt. Milko Lirazan, walang palatandaan na may foul play na nangyari sa naturang insidente.


Walang sign of struggle sa biktima at intact naman ang gamit nito gaya ng wallet na may lamang pera, ID, cellphone, passbook at passport na nakasilid sa kanyang backpack.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpapakamatay ng naturang dayuhan na naghahanap pa ng interpreter na magbabasa sa mga diary nito at mga dokumento na nakasulat sa Korean language kabilang na ang iniinom na gamot.


The post Koreano natagpuang patay sa resort sa Occidental appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Koreano natagpuang patay sa resort sa Occidental


P400-M nananakaw sa bangko dahil ATM fraud

HALOS nasa P400 million ang nananakaw na ng mga sindikato na sangkot sa ATM fraud sa mga bank deposits sa loob ng dalawang taon.


Isiniwalat ni Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group director S/Supt. Gilbert Sosa, na batay sa kanilang datos noong 2012 ay nasa P175 million na ang nananakaw ng mga sindikato at noong nakaraang taon ay umabot naman ito sa P220 million.


Ibinunyag ni Sosa na kalimitan na ikinakabit ng mga sindikato ang ginagamit nilang skimming plate tuwing gabi o madaling-araw.


Sinabi ni Sosa na mayroon na silang sinusundang tao o grupo na sangkot sa ATM fraud.


Samantala, ayon naman kay PNP PIO chief Supt. Reuben Theodore Sindac, iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cyber Crime group ang naarestong si Lt. Senior Grade Raphael Marcial na nakuhanan ng mga blankong ATM cards at scanner machine.


Ani Sindac, may nabanggit na grupo si Marcial subalit tumanggi itong idetalye sa media para hindi maapektuhan ang operasyon.


Inalis na si Marcial sa Presidential Security Group (PSG) sa Palasyo at nasa kustodiya na ito ngayon ng kanyang mother unit na Philippine Navy.


Pagtitiyak pa ni Sosa, puspusan ang kanilang ginagawa upang masugpo ang sindikato sa ATM fraud.


The post P400-M nananakaw sa bangko dahil ATM fraud appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P400-M nananakaw sa bangko dahil ATM fraud


High altitude training ni Pacquiao pasisimulan na

TINUTUTUKAN na ng kampo ng Team Pacquiao ang “killer instinct” at pagkaagresibo ni dating eight division world champion Manny Pacquiao sa kanyang ginagawang training.


Inamin ni Pacman na walang problema sa kanyang stamina at malakas na suntok.


Dagdag pa ng Pinoy ring idol, malaki ang naitulong ni Lydell Rhodes dahil halos magkapareho ang estilo nito kay Timothy Bradley.


Muling isinagawa nitong Huwebes ni Pacman ang kanyang pangalawang sparring session laban kay Rhodes sa Wild Card gym sa lungsod.


Pinaghandaan naman ito ng mabuti ni Rhodes dahil ayaw na niyang muling dumugo ang kanyang ilong.


Habang ngayong araw inaasahan ang high altitude training ng Sarangani solon.


Ayon kay assistant trainer Buboy Fernandez, magmumula si Pacman sa pagtakbo sa Siguel, GenSan papuntang Maasim, Sarangani province.


Sa pamamagitan nito, masusukat ang lakas at stamina ng fighting congressman.


The post High altitude training ni Pacquiao pasisimulan na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



High altitude training ni Pacquiao pasisimulan na


Iringang Revilla at Roxas, lumalala

TILA hindi pa rin natatapos ang iringan sa pagitan nina Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., at Interior Sec. Mar Roxas.


Sa pagkakataong ito ay ibinunton ni Revilla ang sisi kay Roxas ang lumalalang kriminalidad sa bansa kung saan inungkat pa nito ang kapalpakan ng kalihim sa paghawak ng sitwasyon sa Zamboanga siege at “Yolanda relief operations.”


“Hindi naman tayo nagugulat, dahil lahat ng hinawakang trabaho niyan, palpak. His ineptitude in the DOTC (Department of Transportation and Communications) resulted in all the problems we are facing in that department. Nung makausap ko ang mga taga-Zamboanga, siya rin ang sinisisi kung bakait daw lumala ang sitwasyon doon. When you go to Tacloban and Eastern Visayas, ganun din sinasabi ng ating mga kababayan. They also blame him,” wika ng senador.


Dahil dito, muling iginiit ni Revilla ang pagbitiw sa puwesto ni Roxas.


Kung maaalala, sa kanyang privilage speech sa Senado ay binatikos ni Revilla si Roxas dahil sa pagiging “boy pick-up” nang ipagmaneho siya papunta sa Malacañang para iharap kay Panguong Noynoy Aquino kung saan napag-usapan ang pagdiin kay dating Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial na mariin namang itinanggi ng kalihim.


The post Iringang Revilla at Roxas, lumalala appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Iringang Revilla at Roxas, lumalala


Ex-sundalo patay sa riding in tandem

NADALE ang dating sundalo matapos barilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bulalo sa Sultan Kudarat, Maguindanao.


Kinilala ang biktima na si Wilfredo Elarde, 64, dating sundalo at residente ng Crossing Pinaring sa naturang bayan.


Ayon kay Sultan Kudarat chief of police S/Insp. Ismael Madin, nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa kalibre .45 ang biktima habang nakasakay ng kanyang motorsiklo.


Subalit malaki ang paniniwala ng mga imbestigador na nakipagbarilan pa ang biktima sa mga suspek bago tuluyang napuruhan.


Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing pangyayari.


The post Ex-sundalo patay sa riding in tandem appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ex-sundalo patay sa riding in tandem


Ukraine president, kabilang sa international wanted list

NASA international wanted list na ang napatalsik na Ukrainian president na si Viktor Yanukovych.


Ito ang inihayag ni acting Prosecutor General Oleh Makhnytsky.


Ayon kay Makhnytsky, bumuo na sila ng special group na siyang titingin sa kaso ni Yanukovych.


“Yanukovych is declared internationally wanted, we set a special group to enter this case,” wika ni Makhnytsky.


Sinabi pa ni Makhnytsky, kasama sa mga pinaghahanap ay si former Interior Minister Vitaly Zakharchenko.


Una rito, patuloy ang ginagawang pagtugis kay Yanukovych.


Ito’y makaraang dagdagan ng arrest warrant si Yanukovych dahil sa pagkamatay ng halos 100 raliyista sa marahas na kilos protesta.


Subalit hindi mahagilap si Yanukovych na huling nakita sa lungsod ng Kharkiv noong Sabado.


Pinabulaanan din ng Ukrainian Orthodox monastery na nagtatago sa bunker ng simbahan si Yanukovych.


Sa gitna ng krisis sa Ukraine, umiinit naman ngayon ang word war sa pagitan ng Amerika at Russia bunsod ng political crisis sa bansa.


Inakusahan ng Russian Foreign Ministry ang oposisyon na mga diktador at terorismo umano ang ginagawa sa bansa.


Ayon kay Russian Prime Minister Dmitry Medvedev, mutiny ang ginawa ng interim government na pagpatalsik kay Yanukovych.


Buwelta naman ng White House, hindi Cold War era ang pinag-uusapan.


Sinabi ng White House na hindi na lehetimong lider ng Ukraine si Yanukovych.


Nabatid na suportado ng Amerika ang hakbang ng Ukraine parliament na makipag-alyado sa European Union sa halip na sa Russia.


Binalaan din ng Amerika ang Russia laban sa paggamit ng military force upang makialam sa krisis sa Kiev.


Samantala, umapela ang Ukraine sa international donors ng $35 billion na tulong pinansiyal upang maisalba ang bansa sa economic crisis dahil pinangangambahang bawiin ng Russia ang ipinangakong tulong kasunod ng pagbagsak ng gobyerno ni Yanukovych.


The post Ukraine president, kabilang sa international wanted list appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ukraine president, kabilang sa international wanted list


PNoy nasa Malaysia

MANILA, Philippines - Naglaan ng P9 milyon ang gobyerno para sa overnight stay ni Pangulong Aquino sa state visit nito sa Malaysia. .. Continue: Philstar.com (source)



PNoy nasa Malaysia


Cebu Wakepark sa Liloam, Cebu, inaasahang dadagsain ng mga tao ngayong summer

Hindi pa man pumapasok ang tag-init, unti-unti nang dinadagsa ang Watersports Park na makikita sa bayan ng Liloan sa Cebu. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Cebu Wakepark sa Liloam, Cebu, inaasahang dadagsain ng mga tao ngayong summer


Mamamayan na may ‘rare disease’ tulungan

MANILA, Philippines - Bagaman at napatunayang hindi totoo ang ulat na may kakaibang sakit na dumapo sa isang mamamayan sa Pangasinan na tinawag na “flesh-eat .. Continue: Philstar.com (source)



Mamamayan na may ‘rare disease’ tulungan


Naglaslas muna ng pulso OFW tumalon sa rooftop sa Kuwait, patay!

MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na overseas Filipino worker­ (OFW) ang nasawi matapos na umano’y maglaslas ng pulso bago tumalon sa rooftop ng isang gus .. Continue: Philstar.com (source)



Naglaslas muna ng pulso OFW tumalon sa rooftop sa Kuwait, patay!


Ordinansa sa ligtas na mga gusali sa QC niluluto

MANILA, Philippines - Niluluto ni Quezon City councilor Karl Castelo ang isang panukala upang masiguro na ligtas ang mga gusali sa siyudad para sa publiko. .. Continue: Philstar.com (source)



Ordinansa sa ligtas na mga gusali sa QC niluluto


Kauna-unahang personalized stamps, inilunsad ng PhlPost

MANILA, Philippines - Pwede nang magkaroon ng sariling selyo ang bawat Pinoy kung saan nakaimprenta ang kanilang larawan, matapos ilunsad ng Phlpost nitong P .. Continue: Philstar.com (source)



Kauna-unahang personalized stamps, inilunsad ng PhlPost


Pinaagang biyahe ng MRT-3, naantala dahil sa aberya

MANILA, Philippines - Naantala ang pinaagang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon bunsod nang aberyang naganap sa maintenance equipment nito. .. Continue: Philstar.com (source)



Pinaagang biyahe ng MRT-3, naantala dahil sa aberya


Speed limiter sa bus ikakasa sa May 1

MANILA, Philippines - Simula sa Mayo 1 ay kakabitan na ng speed limiting devices ang lahat ng mga pampasaherong bus sa bansa partikular sa Metro Manila bunso .. Continue: Philstar.com (source)



Speed limiter sa bus ikakasa sa May 1


Softdrinks sa iskul ibabawal

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal sa mga eskuwelahan ang pagbebenta ng lahat ng klase ng softdrinks. .. Continue: Philstar.com (source)



Softdrinks sa iskul ibabawal


PNP makakatipid ng malaki ‘pag inilipat ng kulungan si Napoles

MANILA, Philippines - Malaki ang matitipid ng Philippine National Police (PNP) kung pagbibigyan ng korte ang lumalakas na panawagan ng publiko na ilipat na l .. Continue: Philstar.com (source)



PNP makakatipid ng malaki ‘pag inilipat ng kulungan si Napoles


Pati no. 2 nagrereklamo: Mga pulis na hindi nagsusustento sa legal na misis, anak dumarami

MANILA, Philippines - Naalarma ang Philip­pine National Police (PNP) dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kanilang mga kasamahan sa serbisyo na hindi n .. Continue: Philstar.com (source)



Pati no. 2 nagrereklamo: Mga pulis na hindi nagsusustento sa legal na misis, anak dumarami


Mukha umano ni Kristo, lumitaw sa isang pader sa Iloilo

Dinadayo ngayon ng mga deboto ang isang bahay sa Tigauan, Iloilo dahil sa paniwala na may himalang naganap nang lumitaw sa pader ang mukha ni Kristo. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mukha umano ni Kristo, lumitaw sa isang pader sa Iloilo


1 babae at 1 bata, natagpuang patay sa BGC sa Taguig; mga biktima, may sugat sa ulo

Dalawang bangkay ang natagpuan ng mga awtoridad sa Bonifacio Global City, Taguig, nitong Huwebes. Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng palo umano sa ulo ang ikinamatay ng mga biktima na kapwa nakayapak nang makita. .. Continue: GMANetwork.com (source)



1 babae at 1 bata, natagpuang patay sa BGC sa Taguig; mga biktima, may sugat sa ulo


Empress Schuck, inip na kakatambay

MATAGAL nagtiyaga at naghintay si Empress Schuck bago nabigyan ng magandang project sa ABS CBN. Pero dahil sa super taba siya noon at ang laki-laki ng pata, kinakailangan niyang magtiis ng gutom para lamang pumayat or else, walang project.


Nang pumayat, nagkaroon siya ng afternoon drama-fantaserye na “Rosalka” Pero hindi na nasundan ito. Tanging cameo role na lang ang natatanggap niya sa iba’t ibang serye.


Kaya ngayong tapos na ang kontrata niya ay nagiisip na siyang lumundag sa ibang network dahil naiinip na raw siyang maghintay sa wala.


“Wala talaga for now. Hindi ko alam kung bakit wala pa, kung bakit medyo matagal. Pero siguro they have their reasons kung bakit wala. Pero darating talaga ang time na maiinip ka, mag-iisip ka, ‘Ba’t wala pa?


“Ewan ko, marami pa rin namang opportunities sa ibang lugar. May times kasi na kailangan ko ring mag-move on. Sabi ko nga, marami pang opportunities na puwede kong pasukan. So, tingnan natin kung sino pa ang gustong kumuha sa akin or whatever. Pero kung gusto pa nila akong mag-stay, mapag-uusapan din naman,” ayon kay Empress na hindi na impress sa Kapamilya.


***


DANIEL AT KATHRYN ISANG ARAW NA PASASAYAHIN ANG KANILANG FANS


ISANG araw na hitik sa saya, palaro at sorpresa ang handog ng “Got To Believe” ng ABS-CBN para sa lahat ng dadalo sa kanilang ‘Best Fair Ever’ ngayong Linggo (Marso 2).


Ang fair na gaganapin sa Makati Circuit simula 8AM hanggang 5PM ay alay sa ‘G2B Army’ na binubuo ng mga kabataan na solid supporters ng most romantic series sa primetime TV na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Mabibili ang tickets para sa ‘Best Fair Ever’ ngayong Biyernes (Pebrero 28), mula 10AM hanggang 4PM sa Center Road ng ABS-CBN sa Quezon City.


Ang ticket na nagkakahalagang P500 ay may kalakip na ‘G2B Army Kit’ at magsisilbing pass para sa dalawang rides, photo booth, at ‘G2B Concert.’


Para sa kaayusan ng fair at kaligtasan ng mga dadalo, ang mga sumusunod ang mga paalaalang nais ipabatid ng organizers sa lahat: dalhin ang ticket sa araw ng fair; tiyaking sundin ang location map upang makarating sa Makati Circuit; hindi maaaring magdala ng pagkain sa loob ng venue; bawal ring magpasok ng alak, drugs at firearms; ang mga batang pitong taong gulang pababa at mga buntis ay hindi papapasukin; at may food, game, at ride booths sa loob ng venue. Magkakaroon din ang fair ng Chichay and Joaquin ‘Kalokalike’ search, pati na auction kung saan ipagbibili ang mga painting ni Chichay at iba’t ibang gamit ni Joaquin.


Tampok rin sa ‘Best Fair Ever’ ang tatlong espesyal na programa — isa sa umaga, pre-show sa hapon, at ang main concert na katatampukan ng “Got To Believe” cast.


***


For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Empress Schuck, inip na kakatambay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Empress Schuck, inip na kakatambay


Continue dreaming and stay humble, nak!

NAKALULUNGKOT sa parte ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang biglaang pagwawakas ng hit-seryeng Got To Believe. Kahit sa social media kung saan from it’s first day of airing noong August 26, 2013 hanggang nitong monday February 24, 2014 na tumakbo ng 7 months ay napanatili nito ang pagte-trending sa top 5 spot huh!


Base sa personal experience ko, grabe talaga ang tamba- lang KATHNIEL hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo! Naalala ko lang na sa aking edad at tinagal-tagal sa pagsusulat, dahil lang dito sa social media na ito ay naranasan kong ma-bashed huh! Well, sabi nga nila, kasama ‘yun sa pagiging parte ko na rin sa pamilya ni Daniel at okey lang yun sa ngalan ng pagmamahal! Charot!


Anyways, napakasarap lang isulat ang mga natatanggap kong text messages from Daniel’s followers. May mga nanghihingi ng fan sign, video greetings at kung anu-ano pa. May tumatawag sa akin na feeling nila na kapag nakausap na nila ako ay malaking bagay na yun para sa kanilang pagi-idolo kay Daniel Padilla. Bilang tao dahil naging fan din ako noon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, so true, ang makita mo lang ng personal ang iniidolo mong artista at malingon ka man lang kahit ikaw ay nasa dulo ng pila ay tuwang-tuwa ka na, hindi ba? Yun iba nga, picture lang ng idolo nila kahit walang signature ay abot langit nang paghanga at proud na proud na!


Anyways, sa isip ko lang, this is the price of everything na ginagawang sakripisyo ngayon ni Daniel sa kanyang pamilya at fans. Ibang klase raw kasing karisma ni Daniel na kahit tayo sa entertainment press ay hindi natin mawari kung bakit? Gift of success kung tawagin ng iba. Kunsabagay, family matters most para sa anak-anakan kong si Daniel Padilla. Nakatutuwa na ang pagpapatayo ng napakalaking bahay sa QC muna ang kanyang inunang gawin. Of course, sa guidance na rin yun ni Karla Estrada na kanyang ina. Bumili rin siya nang sasakyan para sa kanya, sa kanyang Mama Karla at para sa kanyang mga kapatid.


Ganoon si Daniel Padilla. Kaya nga nakasasama rin sa loob minsan ang mga negatibong nasusulat sa bagets but the whole family remains quiet and just counted their blessings and so be it! Mahirap naman talagang nagtatanim ng sama nang loob to anybody. Continue dreaming Daniel Padilla and stay humble, Nak!


The post Continue dreaming and stay humble, nak! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Continue dreaming and stay humble, nak!


Charter change, tiniyak na pang-ekonomiya lang, ayon sa isang lider ng Kamara

Tiniyak ng lider ng House committee on constitutional amendments, na tumatalakay sa kontrobersiyal na panukala para sa pag-ameyenda ng Saligang Batas, na tanging usapin tungkol lamang sa ekonomiya ang kanilang tatanggapin sa deliberasyon at wala nang iba pa. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Charter change, tiniyak na pang-ekonomiya lang, ayon sa isang lider ng Kamara


Iniintriga ang pagpapa-sexy!

SAM CONCEPCION is getting a lot of controversies for his decision to go sexy. Eh, ano ba naman ang masama kung gusto nya, eh, hindi naman kayo pinipilit na tanggapin? Ha, ha, ha! Mahusay syang kumanta, unang rason para suportahan sa kanyang concert sa Music Museum. Kanya-kanyang diskarte. Wala rin namang boses si Daniel Padilla at nakapuno ng Araneta Coliseum sa rami ng guest na mas sikat pa sa kanya. Same kay Enrique Gil na hindi rin super galing na singer at di naman super sexy. Far from being the best dahil may konting taba pa naman.


Karylle deserves to be happy. Let’s be kind to her. Respeto sa kanyang privacy. Tigil muna sa intriga para sirain ang kasayahan sa kanyang soon to be blissful marital life. Mabait naman ang kanyang magiging asawa. Kaya bigyan ng chance lumigaya ang tambalang ito.


Jericho Rosales is saying goodbye to his single life. Bagay naman sila ni Ms. Jones. Maganda pala ang kombinasyon nila ni Angel Locsin sa The Legal Wife. Ang galing nya sa teleserye na ‘to. Walang binatbat si JC de Vera, he, he. Ang husay ni Maja Salvador at wala pa nga yung sampalan nila ah, ha, ha!


Toni Gonzaga is superb in what she does. Blooming ke TV o film kaya tagumpay ang Starting Over Again at Home Sweetie Home. Kumpleto na ang Sunday viewing pleasure dahil nakakaaliw ang tambalan nila ni JLC. Akala mo totoo ngang mag-asawa. Intriga pa na malamang mas kumita ang film dahil sa kanyang galing at following. Kasi nga kumita ba ang huling project ni Piolo?


Coco Martin is back soon sa Ikaw Lamang. Ang ganda-ganda ng trailer at talagang aabangan na naman sa TV. Parang pelikula na nga, eh. Habang naka-period costume ang kasama niyang sina Jake Cuenca, Kim Chiu at Julia Montes pati na ang hairdo, si Coco ay nagmumura sa kanyang contemporaryong style na gupit, ha, ha. Paki explain nga yan.


The post Iniintriga ang pagpapa-sexy! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Iniintriga ang pagpapa-sexy!


Young actor na bini-build up ng isang TV network, dating callboy

BIBIDA na pala sa isang teleserye ang Fil-Am young actor na produkto ng isang Reality contest na bini-build-up ngayon ng poor third TV network. Atleast ngayon ay nagkakaroon na ng progress ang buhay ng tinutukoy nating young actor na matindi pala ang pinagdaanan noong wala pa siya sa showbiz.


Yes, dati nang nabalita na pagko-callboy ang dating trabaho ng batang aktor na agad-agad naman nitong itinanggi. Hindi raw siya ‘yung nagtrabaho sa bar na malapit sa sementeryo ng Blumentritt kundi pinsan niya raw ‘yon.


Eh, paulit-ulit na sinasabi ng ating source na siya talaga ‘yung pinipilahan ng mga sari-saring bading. Kasi maliban daw sa mabango, flawless at very huge ang pagkalalaki nito. Ikaw ba naman kasi ang maging anak ng kano, no!


Saka kaya raw kinagiliwan ng mga bayot noon ang bibidang aktor sa serye ay dahil hindi siya demanding at okey na sa kanya kahit na tawaran mo pa ang kanyang asking price. Ang nakatatawang eksena, pati raw ‘yung bading na nagtitinda ng isda sa palengke na malapit lang sa bahay ni actor ay nahada rin siya na ang kapalit ay datung at fish na pang-ulam na ni Papa. Hahaha! so nakatatawa naman gyud!


DREAMSCAPE HEAD DEO ENDRINAL, SUWERTE KAYA LAHAT NG PROJECT PANALO


SA industriya nating ito, isa sa masasabi mong marunong makisama at sweet sa lahat ng mga katrabaho ay itong si Sir Deo Endrinal na head ng Dreamscape Entertainment Television.


Yes, grabe ang PR niya sa entertainment press at sino ba naman kami ng BFF kong si Pete A. para pansinin ng top executive ng ABS-CBN? Pero tuwing nakikita namin siya kahit saan ay parati niya kaming binabati. At hindi lang siya (sir Deo) mabait sa lahat ng mga artista nila sa Dreamscape kundi sa buong production kabilang na ang mga maliliit na taong nagwo-work sa kanila tulad ng PA, crew, cameraman, etc. Kaya kita niyo naman kapag in-offer sa isang artista ang project ay walang tanggi kay sir Deo dahil tumatanaw ng utang na loob ang mga ito sa kanya.


Maituturing ding no.1 starbuilder ang big Boss ng Dreamscape dahil lahat ng mga artistang pinagbida niya ay mas lalong lumaki ang mga pangalan sa industriya. Dahil mula noon hanggang ngayon kapag gawang Dreamscape ang isang teleserye, asahan mo magiging #1 ito sa Primetime Bida ng Kapamilya network. ‘Yung huling dalawang teleserye ni Coco Martin na Walang Hanggan at Juan dela Cruz, naghari talaga sa ratings game.


Ngayon ‘yung Honesto nila sa latest survey ng Total Philippines(URBAN + RURAL) last February 24 ay umabot na sa 35.6% ang rating ng serye na pinagbibidahan nina Raikko Mateo at Paulo Avelino. Honesto hits all-time high national rating! Kaya naman walang duda na ang parating na big budgeted teleserye na Ikaw Lamang na pinagbibidahan ng Prinsesa at Hari ng Teleserye na sina Kim Chiu at Coco Martin na ipalalabas na sa Marso 10 ay mangunguna na naman sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


May eye at pulso pagdating sa talent si Sir Deo alam nito kung sino ang sisikat o hindi. At masuwerte rin ang mabait na ehekutibo sa pagkakaroon ng mababait na tao sa Dreamscape tulad ni Biboy Arboleda at kapatid na Eric John Salut na super sipag na mag-promote ng kanilang mga project.


Next month na rin nakatakdang ipalabas ang mangangabog na Dyesebel ni Anne Curtis with Sam Mily and Gerald Anderson. Andyan rin ang hindi patatalo sa katapat na Mirabella ni Julia Barretto with her leading man Enrique Gil. Sobrang blessed ang Dreamscape gyud!


PREMYONG CASH SA TRIP NA TRIP NG EAT BULAGA MAS PINALAKI PA


MAS lalong lumalaki ngayon ang tropa sa isa sa gustong-gustong panooring segment ng mga Dabarkads sa Eat Bulaga na Trip na Trip. At kasabay nito ay pinalaki na rin ang puwedeng mapanalunang cash prize ng contestant na mapipiling winner sa araw na ‘yun.


Happy happy ang mga kalahok dahil maliban na sa nagpapakilig ng araw nila na Los Viajeros na sina Pedro, Eduardo at Diego na kanilang nayayakap at may kandong pa sa kanila. Sa elimination round pa lang, tatlo sa matatanggal ay magkakamit na ng 3 K, 4 K at 5 K at tig-iisang EB Jacket. ‘Yung natirang isa na siyempre automatic winner na ay nakadepende naman sa roleta ang maiuuwing premyo. Kapag tumapat sa Kandungin si dude ang pinaikot na roleta ng kung sino mang winner ay tatanggap siya ng 15 K, 25 K naman para sa Upong Bagong Kasal, 30 K para sa kandungin si babe at kapag tumama sa Akbay-Akbay din pag may time ay 20 K naman ang makukuha.


Ang mga halagang ‘yan ang laman ng apat na maleta kaya Ka-trip pulsuhan mo na para makuha mo ang tumataginting na 30,000.


The post Young actor na bini-build up ng isang TV network, dating callboy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Young actor na bini-build up ng isang TV network, dating callboy


Puhunan sa Tagumpay

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT SA tulong ng kanyang magandang tinig, nagawang mangibang-bayan at makapagpatayo ng sariling negosyo ng Pilipinang si Cean Devries.


Sa University of Sto. Tomas sa Pilipinas nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management si Cean. Bagama’t nakapagtapos ng kolehiyo, hindi opisina, kundi ibang karera ang kanyang pinuntahan- ito ay ang pagiging bahagi ng bandang kung tawagi’y Ultrashock, kung saan ay isa siyang mang-aawit. Ito ang naging daan upang makarating siya ng bansang Indonesia.


Ayon kay Cean, anim na buwan lamang ang maaaring itagal ng working permit ng isang banda sa nasabing bansa, kung kaya’t makalipas ang anim na buwan ay napilitang magsibalik sa Pilipinas ang ilan niyang ka-grupo, subalit siya ay nagdesisyong manatili roon.


“I had chosen to stay because I met someone- my husband. He proposed marriage and so I stayed.” Kuwento niya.


Mapalad rin si Cean sapagkat napansin ng may-ari ng lugar na dati nilang tinutugtugan ang kanyang husay sa pag-awit na naging daan upang maging interesado itong alamin ang iba pa niyang kakayahan.


Nang malaman kung ano ang kursong kanyang tinapos ay agad siyang inalok nito upang maging manager ng buong lugar.


Makalipas ang isang taon, nagdesisyon si Cean at ang kanyang asawa na magtayo ng sariling negosyo.


Sa kanilang pagsisikap at pagtutulungan ay naitayo ang Options Entertainment International, isang talent agency na nagpapadala ng mga mang-aawit sa iba’t ibang bansa.


“Ang company namin is engaged in arranging live music entertainment for five star hotels in Indonesia; we have several artists from the Philippines and from here, we train them and they go to abroad.” Kwento pa niya tungkol sa kanilang kompanya.


Nabanggit niya na hindi biro ang kanilang pinagdaanan bago naging matagumpay ang negosyo nilang ito sapagkat ‘ika nga niya ay ‘from the scratch’ sila nag-umpisa.


“Ang meron lang kami guts and confidence kailangan mahaba ang pisi mo. Eventually nakuha namin yung first contract then nagroll over na lang’ yun. Timing na rin na hindi pa gaanong maraming entertainment companies when we started.” Wika niya.


Ayon kay Cean, marami silang kliyenteng bilib sa kakayahan ng mga Pinoy, hindi lamang dahil sa galing natin sa pag-awit kundi dahil na rin sa pagiging masinop, masipag, matigaya at husay sa pagsasalita ng Ingles. Hanga rin diumano ang mga ito dahil sa pagiging orihinal at flexible sa musika ng mga kababayan natin.


Tunay na malayo na ang narating ng dating mang-aawit ngunit ngayo’y big-time na negosyanteng si Cean at ito ang payo niya para sa mga gaya niya ay nais na magtagumpay- “All you have to do is just do your best in whatever you do.”


*******


Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.


The post Puhunan sa Tagumpay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Puhunan sa Tagumpay


Grade 6 pupil na biktima umano ng bullying, nabalian ng tadyang matapos suntukin ng kaklase

Nagpapagaling ngayon sa ospital sa Camarines Sur ang isang grade six pupil matapos mabalian ng tadyang nang suntukin umano ng kaklase na dati na raw nambu-bully sa biktima. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Grade 6 pupil na biktima umano ng bullying, nabalian ng tadyang matapos suntukin ng kaklase


HINDI MO BA ALAM, MR. PRESIDENT?

baletodo SALAMAT kay Oscar Pineda ng Cebu based reporter ng Sun Star. Isa kang alamat, Kuyang Oscar!


Hindi maitago ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang galit matapos siyang matanong ni Kuyang Oscar kung bakit mahigit tatlong buwan na ay halos kapos pa rin sa pagtulong ang rehimen sa mga biktima ng bagyong Haiyan o Yolanda. Sa kanyang banta sa kanyang mga tauhan, “gawin ninyo ang inyong trabaho, may mananagot dito.”


Naalala ko tuloy si ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA) noon. Binansagan siya ng mass media na “Taray Queen” dahil sa kanyang “on-site” na pagsermon sa kanyang mga “paboritong” tauhan tulad ni dating NIAA General Manager Ed Manda.


Si Manda ay favorite student ni GMA sa Ateneo pero sinibak siya! Ganyan din ang nangyari kay dating Agriculture Secretary Arthur Yap na halos naligo sa pawis habang sinesermunan siya sa publiko mismo ng kanya ring dating guro. Ang kasalanan nina Manda at Yap ay nahuli sa akto at sumbong dahil sa kapabayaan sa trabaho.


Ang tanong ni Sun Star reporter Pineda ay tama. Pero mas mahaba pang nararansang delubyo sa buhay ng mga biktima ng mga bagyong Sendong at Pablo sa Mindanao sa panahon din ni G. Aquino.


Mali ang Pangulo na ituro niya ang kanyang mga opisyal na nakatutok sa mga kalamidad at sabihan ang media na magsaliksik at magbasa ng datos ng mga ahensyang sangkot sa pagtulong sa biktima ng mga kalamidad.


Paano, Mr. President, kung puro pagtatakip at kasinungalingan ang laman ng kanilang report?


Isa riyan ang enerhiya na nagpapahirap sa mga kababayan natin sa Mindanao. Malala ang nararanasan nilang brownout/blackout na nagpapabagsak ng kanilang ekonomiya!


Kung hindi ka pa nga nagtungo sa mga lugar na nawasak ng kalamidad, malamang hanggang ngayon ang alam mo lamang ay puro mali–batay sa report ng iyong mga opisyal!


Totoo ba na hindi mo alam, Mr. President, ang mga mapanlinlang at sinungaling na mga report sa iyo ng iyong mga tauhan?


Sabi nga ni dating Pangulo at Manila City Mayor ERAP Estrada, “masama ang magsinungaling, baka tamaan ka ng kidlat!”


Well, kung totoo na hindi mo alam, Mr. President. Kung totoo na wala kang alam at napaniwala ng mga tauhan mo batay lang sa kanilang sinungaling na report, hindi ka na dapat maghintay pa kahit isang minute– SIBAKIN mo na sila!


The post HINDI MO BA ALAM, MR. PRESIDENT? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



HINDI MO BA ALAM, MR. PRESIDENT?


BOL-ANONS SHOULD BE PROUD OF DR. CECILIO PUTONG

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online NAKALULUNGKOT malaman na prinotesta ng mga Boholano ang pagpalit ng pangalan ng Bohol National High School sa Dr. Cecilio Putong National High School noong early 2000. Marami raw kasi sa kanila ay hindi nakakakilala kung sino si Dr. Cecilio Kapirig Putong ng Tagbilaran City.


Marami rin daw ang ayaw ang tunog ng apelyidong “Putong” kaya mas gusto nilang manatili ang dating pangalan ng kanilang paaralan.


Mabuti na lang at may isang historian at academician na si Jose Marianito Luspo ng Holy Name University na nagmalasakit para ipakilala sa mga kababayan ni Putong kung sino siya at ano ang kanyang kontribusyon sa ating bansa.


Si Luspo ay chairman ng Bohol Arts, Cultural Heritage Council. Dahil sa kanya ay hindi nanaig ang mga nagpoprotesta at si dating Congressman Isidro Zarraga, Jr. Kaya’t hanggang ngayon ay sa Dr. Cecilio Putong National High School pa rin ito.


Ngunit nakalulungkot nitong pag-uwi ko rito sa aming hometown nang ibalita sa akin ni Virgie Migriño ng Maribojoc, Bohol na ginawa nang Palma Street ang Putong Street. Ano sa palagay ninyo ang dahilan?


Kasama namin ang members ng Twinville Mini Pastoral Council dito sa Bohol: si Gemma Alviz-Sison, Juliet Cabildo, Penny Cristobal, Hermie Salazar, Tess Roque, MIla Lacsamana at Noel Lozano.


Teka … Sino ba itong si Cecilio Putong? Deserving ba siya na ipangalan sa kanya ang Bohol National High School? Deserving ba siya na pangalanan ng isang kalye?


Si Dr. Putong ay Secretary of Education noong panahon ni Presidente Elpidio Quirino noong 1952.


Author siya ng maraming libro, isa na rito ang “Bohol and its People.”


Sa aking pagkakaalala ay teacher siya sa edad na 13 at principal sa edad na 16. Mataas ang kanyang IQ, obvious ba?


Magiging principal ka ba sa edad na 16 kung hindi ka kakaiba, matalino at maabilidad?


Siya ay namatay na mahirap at simple noong Enero 26, 1980 sa Philippine Heart Center sa Quezon City. Bihira sa mga opisyal ng pamahalaan ang malinis ang budhi at hindi nangungurakot.


Tanungin natin ang mga Bol-anon … karapat-dapat bang tularan ng mga bagong henerasyon na mga taga-Bohol si Dr. Cecilio K. Putong?


Kayo? Sa palagay n’yo? Karapat dapat ba siyang tularan? Deserving ba siya na ipangalan sa kanya ang isang paaralan sa kanyang hometown?


Mabuti siguro na bisitahin ninyo ang Bohol para lalong mas makilala ninyo ang isang anak ng Bohol, na kahit malaki ang kontribusyon sa bayan sa larangan ng edukasyon, ay madaling tinalikuran ng kanyang mga kababayan.


The post BOL-ANONS SHOULD BE PROUD OF DR. CECILIO PUTONG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BOL-ANONS SHOULD BE PROUD OF DR. CECILIO PUTONG