KINILALA na ang nalitson nang buhay na nanay at kanyang limang anak habang kritikal ang isa pa nang masunog ang kanilang tent sa Yolanda-devastated Tacloban City sa Leyte, kaninang madaling-araw.
Ayon kay Mayor Alfredo Romuladez, alas-8 ng umaga nang namatay habang ginagamot sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang ilaw ng tahanan na si Maria Liza Ocenar, 31, habang nauna nang namatay ang limang anak nito na sina Cathleen, 11, Justine, 10, Jovelyn, 5, Jasmine Claire, 3 at ang 4 months old baby girl na hindi nakuha ang pangalan, pawang nagtamo ng matinding pagkasunog sa katawan.
Nasa kritikal naman na kondisyon sa EVRMC sanhi ng third degree burn sa buong katawan ang pangatlong anak ni Maria Liza na si Jan Mark, 7- anyos.
Wala naman ang padre de pamilya na si Renante, 32, nang maganap ang insidente dahil nagtatrabaho ito sa Samar province at lingguhan kung umuwi sa kanilang tinutuluyang tent.
Naganap ang insidente alas-12:40 ng madaling-araw sa temporary tent shelter o Tent City sa Barangay Costa Brava, Tacloban.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP), lumalabas na nag-ugat ang sunog sa isang nabuwal na kerosene lamp na nagsisilbing ilaw sa gabi ng mga tumitira sa tent city.
Ang Ocenar family, ay isa sa mahigit 200 na patuloy na tumutuloy sa tent city na pinondohan ng United Nations matapos na umalis ang mga naapektuhang residente sa evacuation center.
The post UPDATE: Pamilyang namatay sa sunog sa tent city kinilala na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment