Tuesday, May 27, 2014

Bebot utas sa riding-in-tandem sa Ilocos

SINAIT, IOCOS SUR – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Sta. Cruz, Sinait, Ilocos Sur, Martes ng hapon, Mayo 27.


Kinilala ng Sinait police ang biktima na si Rosalinda Yacapin, 38, ng nasabing bayan.


Sa paunang imbestigasyon, ang biktima ay naglalakad malapit sa kanilang bahay nang harangin ng di pa nakikilalang mga suspek.


Nabatid na isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima.


Ang biktima ay dead-on-the spot dahil sa apat na tama ng .45 pistol sa katawan.


Patuloy na ang paghahanap sa mga suspek at pag-alam sa motibo sa krimen.


The post Bebot utas sa riding-in-tandem sa Ilocos appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot utas sa riding-in-tandem sa Ilocos


No comments:

Post a Comment