Showing posts with label Remate. Show all posts
Showing posts with label Remate. Show all posts

Tuesday, April 21, 2015

TANGGAL-INIT

ENJOY na enjoy ang mga kabataang ito sa pagtatampisaw at paliligo sa Manila Bay sa Pasay City nang bumuhos ang ulan, dahil kahit paano’y nabawasan ang nararamdamang init dala ng summer. CESAR MORALES

.. Continue: Remate.ph (source)

TANGGAL-INIT

Mas pasasayahin pa ng Sun Postpaid ang inyong bakasyon sa pinakabagong Samsung Galaxy J1!

Mas patok ang inyong mga selfie sa kabarkada mo dahil sa Palm Selfie feature nito. Hindi ka na mahihirapan kunan ang magandang mukha mo dahil sa kumpas pa lang ng kamay mo, tiyak na na-save mo ang summer Facebook profile pic mo. Isa ito sa pinakabagong apps ng Samsung. Ito’y may 4.3-inch touch screen para sa entertainment at maayos na display ng inyong mga apps. Meron din itong 5MP camera at dual-core processor na naayon sa inyong mobile needs. Sa Galaxy J1, siguradong ma-enjoy mo ang mobile lifestyle sa presyong swak sa inyong budget

Itong bagong Sun Postpaid phone ay ang perfect summer buddy mo dahil meron din itong GPS-Glonass technology. Ito ay isang digital map na magagamit mo sa inyong paglalakbay sa panahon ng bakasyon. Ang phone na ito ay makukuha mong libre sa Sun Plan 499. Ang Sun Plan 499 ay may unlimited Sun Calls and Texts, 20 hours mobile surfing, 250 texts sa ibang other networks, at unlimited VIP Spinnr Access o Unlimited Facebook — makakaasa kang ramdam mo ang isang reliable mobile connection!

Wait, there’s more!

Kung ang hanap mo naman ay isang mabilis na phone, merong solusyon si Sun Postpaid para sa iyo. Libre mong makukuha ang Samsung Galaxy Core Prime sa Sun Plan 600.  Ang Samsung Galaxy Core Prime ay pinatatakbo ng 1.2 Ghz Quad-core. Dito, maari kang gumamit ng maraming apps at di ka na na mangangambang bagagal ang system ng inyong phone. Sa plan na ito, mayroon itong unlimited Sun Calls and Texts, 30 hours mobile surfing, 350 texts sa ibang networks, att 100-peso consumable credits.

.. Continue: Remate.ph (source)

Mas pasasayahin pa ng Sun Postpaid ang inyong bakasyon sa pinakabagong Samsung Galaxy J1!

Kumpirmadong kaso ng MERS-CoV, sagot ng PhilHealth 

Kaugnay ng pagkumpirma ng Department of Health sa kaso ng Middle East Respiratory Syndrome – Corona Virus (MERS-CoV) sa bansa, naglabas ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng bagong polisiya na naglalayong ipatupad ang benefit package para sa lahat ng kumpirmadong kaso ng MERS-CoV.
Ang lahat ng miyembro ng PhilHealth, health worker man o hindi, at maging ang mga hindi pa miyembro na idineklarang positibo sa MERS-CoV ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM ay maaaring magkamit ng benepisyo sa alinmang ospital na accredited nito na may pasilidad at kakayahan na mamahala ng nasabing sakit.
Kung ang pasyente ay isang health worker, maaari siyang magkamit  ng subsidiya na aabot sa P100,000.00, samantalang P50,000.00 naman ang maaaring makamit ng non-health worker.
Ang mga health worker ay mga empleyado o institutional worker ng isang pasilidad pangkalusugan na nasa bansa o ibang bansa na nangalaga o nagkaroon ng malapitang pakikitungo sa pasyenteng may MERS-CoV at maaaring nakakuha ng impeksiyon habang nagtatrabaho.
Kasama rin sa pakete ang benepisyo para sa kuwarto sa ospital sa halagang P1,500 bawa’t araw hanggang P10,000; bayad sa doktor mula P1,000 bawa’t araw hanggang P15,000 para sa non-health worker, at hanggang P30,000 naman para sa mga health worker.
Bukod pa rito, sagot din ng PhilHealth ang mga gamot, pagsusuri, personal protective equipment, at ambulansya hanggang P25,000 para sa non-health worker, at hanggang P60,000 naman para sa health worker para sa parehong mga benepisyo.
Ayon kay Alexander A. Padilla, Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth, ang mga hindi miyembro ng PhilHealth ay kailangang magsumite ng PhilHealth Member Registration Form sa ospital upang malaman kung maaari silang maitala sa ilalim ng point-of-care program ng PhilHealth.
Sakop din ng nasabing polisiya ang Walang Dagdag Bayad o No Balance Billing kung magsasadya ang mga sponsored at indigent program members ng PhilHealth.
“Nais ng PhilHealth na madama at maranasan ng ating mga kababayan, lalo na ng mga kapus-palad ang tunay na kahulugan ng financial risk protection, kung kaya’t isinasakatuparan natin ang Walang Dagdag Bayad sa paketeng ito,” ani Padilla. Ang benepisyo para sa MERS-CoV ay makakamit sa lahat ng naospital magmula noong ika-isa ng Enero 2015.
.. Continue: Remate.ph (source)

Kumpirmadong kaso ng MERS-CoV, sagot ng PhilHealth 

New Angara biography out April 29

Lawyer, educator, legislator, cultural champion, and statesman–“a senator’s senator,” as former Senate President Jovito R. Salonga aptly described him.
All these varied facets of former Senator Edgardo J. Angara emerge in a new biography, Edgardo J. Angara: In the Grand Manner, published by the University of the Philippines Press and written by the UP Professor and prizewinning author Dr. Jose Dalisay Jr.
The book will be launched on April 29, Wednesday, from 3 to 6 pm at the Manila Polo Club.
The biography traces Angara’s ascent to public leadership from his boyhood in Baler, Aurora to his law studies at the University of the Philippines and the University of Michigan, prior to opening what would become one of the country’s leading law firms, ACCRA Law.
It then follows his career in public service as Constitutional Convention delegate, UP President, Senator and Senate President, Agriculture Secretary, and Executive Secretary.
Once considered by the late National Artist Nick Joaquin as the country’s best presidential hope, Angara served the people and nation in a multitude of other capacities.
As senator, he authored many landmark bills that made a key difference in the lives of millions of Filipinos—the Senior Citizens Act, PhilHealth, the Generics Act, Agricultural and Fisheries Modernization, the Free High School Act, the creation of CHED and TESDA and of the National Commission for Culture and the Arts, and a host of financial and educational reforms.
“It’s been a far from perfect life, fraught with accident—sometimes happily so—and misadventure. But it has also been a grand opportunity and privilege to serve the Filipino people as lawyer, lawmaker, and educator,” says the man better known as SEJA.
The author, Jose Dalisay, teaches English at UP and has written the biographies of Washington SyCip and the Lava brothers, among others. Most recently, he was a Pacific Leadership Fellow at the University of California, San Diego.
For more information, call Baby Palmerola at 0917-9807800.
.. Continue: Remate.ph (source)

New Angara biography out April 29

SSS holds talk with stakeholders in South Luzon

Batangas City — Top Social Security System (SSS) officials faced employers and company representatives here during the Stakeholders’ Forum to discuss the latest news about SSS operations in South Luzon.

Employers also had the opportunity to get direct feedback on their SSS concerns from members of the SSS panel, including (right photo, L-R) SSS Vice President for Technical Support Division Hidelza Castillo, Senior Vice President for Administration May Catherine Ciriaco, SSS Batangas Branch Head Joseph Pedley Britanico, SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr., Senior Vice President for Luzon Operations Josie Magana and Assistant Vice President for Luzon-South Virginia Cruz.

The Stakeholders’ Forum held at the Pontefino Hotel on March 13 is part of the two-day regional visit of SSS officials. It was followed by a press conference dubbed as “Kapihan sa SSS” in the afternoon.

.. Continue: Remate.ph (source)

SSS holds talk with stakeholders in South Luzon

SSS inaugurates 3rd Branch in Batangas

The Social Security System opened its third branch in Lemery, Batangas on March 12, 2015 to serve its 25,000 members from the area and nearby municipalities.

Located at the ground floor of Xentro Mall along Ilustre Avenue, the SSS Lemery branch will cover the municipalities of Agoncillo, Alitagtag, Balayan, Calaca, Calatagan, Lemery, Lian, San Nicolas, Sta. Teresita, San Luis, Nasugbu, Taal, and Tuy.

.. Continue: Remate.ph (source)

SSS inaugurates 3rd Branch in Batangas

Lalaki utas sa tinalo sa suntukan

PATAY ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng tinalo sa suntukan sa Caloocan City Miyerkules ng madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Rosauro Tolentino, 36, ng Phase 4, Bagong Silang.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Jorem Mercado, nasa hustong gulang at kalugar ng nasawi.

Sa ulat, alas-5:30 ng madaling-araw nang makasuntukan ng biktima ang suspek malapit sa creek sa nasabing lugar.

Naawat naman ang suntukan subalit agrabiyado ang suspek na umalis subalit pagbalik ay may dalang patalim bago pinagsasaksak ang nasawi at tumakas.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan upang magsuntukan ang biktima at suspek. RENE MANAHAN

.. Continue: Remate.ph (source)

Lalaki utas sa tinalo sa suntukan

Team Asia kampeon sa Queens Cup, 2015

GINABAYAN ni former world ten-ball champion Pinay cue artist Rubilen “Bingkay” Amit ang Team Asia upang makuha ang back-to-back title sa katatapos na 2015 AM8.com Queens Cup billiards tournament na ginanap sa Resorts World Manila.

Tinumbok ng Team Asia na kinabibilangan nina skipper Amit, reigning world’s No. 1 Siming Chen ng China, former rookie of the Year Eunji Park ng South Korea at dating world’s No. 1 Jennifer Chen ng Taiwan ang Team West, 10-7 nina Texas Tornado Vivian Villarreal, Karen Corr ng Ireland, Jennifer “9MM” Barretta ng USA at Team Captain Ewa Mataya Laurance ng Sweden para manatili ang titulo sa Asian billiards players.

Bago nag-umpisa ang final day sa event na tumagal ng tatlong araw ay abante ang Team Asia, 7-4 subalit naitabla ito ng Team West nang tumbukin ang tatlong unang laro.

Pinataob ni Corr si Park, 4-2 sa unang singles event.

Nagkampihan sina Corr at Barretta para bokyain sina Park at J. Chen sa doubles event at tapyasin sa isang puntos ang abante ng Team Asia sa Team West, 7-6.

Sa pangalawang singles pinayuko ni Corr si S. Chen, 4-3 para itabla ang iskor sa 7-7.

Bumalik ang bentahe sa Team Asia, 8-7 ng pangunahan ni Amit ang kanyang mga kakamping sina S. Chen, J. Chen sa 3-on-3 para talunin ang Team West, 4-0.

Nanaig ang Team Asia sa 4-on-4 ng ilista nila ang 9-7 at mamuro sa pagsungkit sa asam na titulo.

Sinargo naman ni Amit ang pangatlong singles event para ibigay ang Team Asia ang pangalawang kampeonato.

Pinagpag ni Amit si Villarreal, 4-1 para sa huling panalo ng Team Asia. ELECH DAWA

.. Continue: Remate.ph (source)

Team Asia kampeon sa Queens Cup, 2015

Bangkay ng Batang City Jail isinampay sa bakod

MISTULANG nakasampay sa bakod ang bangkay ng hindi pa kilalang miyembro ng Batang City Jail sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Tinatayang nasa edad 28 hanggang 35 ang biktima na may tattoo ng BCJ32 sa likod at may mga saksak sa katawan.

Sa ulat, alas-5 ng madaling-araw nang matagpuan ng mga barangay tanod ang biktima na mistulang nakasampay sa bakod sa PNR compound ng lungsod na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay nakitaaan ng mga saksak sa katawan ang biktima kung saan inaalam na kung sino ito at inaalam na rin kung sino at ano ang motibo sa krimen. RENE MANAHAN

.. Continue: Remate.ph (source)

Bangkay ng Batang City Jail isinampay sa bakod

Hacker arestado sa Maynila

NAARESTO ang isang lalaki dahil sa iligal na pagbebenta ng broadband internet modem ng isang malaking telecommunications company.

Kasalukuyang pinipigil ngayon sa himpilan ng Manila Police District-Station 9 ang suspek na si Roberto jabel Abano, 22, ng B-16-B, L-39 Phase 3, El Padas, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ang pagkakaaresto ng suspek ay bunsod ng reklamo ng kinatawan ng Globe Telecom Inc. na sina Jonjon Masiclat at Ronald Uychutin.

Sa kanilang reklamo, nakita nila sa online selling website ang patalastas ng suspek na nagbebenta ng modem sa halagang P3,500 bawat unit.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang kinatawan ng nasabing telecom company sa pulisya at agad na ikinasa ang entrapment operation.

Nagkasundo ang magkabilang panig na magkita sa isang fastfood chain sa Taft Avenue malapit sa P. Ocampo St., Malate, Maynila kung saan naaresto ang suspek.

Narekober sa suspek ang 3 modem at ilan pang mga gamit pang-install ng nasabing internet connection. JOCELYN DOMENDEN

.. Continue: Remate.ph (source)

Hacker arestado sa Maynila

VP Binay tumulak pa-Indonesia

TUMULAK ngayong araw si Vice President Jejomar Binay patungong Indonesia.

Magtutungo ang opisyal sa Indonesia, unang-una dahil sa dadaluhan na Asian-African Summit sa Bandung.

Sinabi ni Binay na susubukan din niyang kumilos para makakuha ng clemency para sa Pinay worker na nasa death row na si Mary Jane Veloso.

Una nang pinanindigan ni Indonesian President Joko Widodo ang batas nila laban sa pagpasok ng ilegal na droga.

Nasa Indonesia na ngayon ang kapatid at ama ni Veloso kasama ang mga kinatawan ng Migrante at grupo ng mga abogado para trabahuhin ang judicial review sa kaso.

Nang makausap si Mary Jane ng kanyang kapatid, inihayag naman nitong hindi siya natatakot sa parusang firing squad na nakatakda sa Biyernes. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

VP Binay tumulak pa-Indonesia

Imbestigasyon sa pagkabaril ni Jolo Revilla sa sarili tinuldukan na

TINAPOS na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang imbestigasyon pero ayaw magbigay ng detalye sa aksidenteng pagkabaril ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa sarili sa noong Pebrero.

Ayon kay NCRPO chief Carmelo Valmoria, mabilis lamang ang imbestigasyon dahil hindi na nila nakausap ang mismong biktimang si Jolo.

Maliban dito, hindi rin sila nagsagawa ng survey sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Bagamat naisumite na ang imbestigasyon kay PNP-OIC Leonardo Espina, tahimik naman ang NCRPO.

Ayon kay Valmoria, bahala na si Espina kung isasapubliko nito ang laman ng report.

Matatandaang ilang araw ding nanatili sa ospital si Revilla matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang nililinisan ang baril. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

Imbestigasyon sa pagkabaril ni Jolo Revilla sa sarili tinuldukan na

Training ng US Armed Forces malaking tulong sa AFP

NANINIWALA ang Armed Forces of the Philippines na marami silang natutunan sa mga ibinibigay na training ng US Armed Forces lalong-lalo na sa isinagawang territorial-based scenario na isinagawa sa San Antonio, Zambales na nasa mahigit 100 nautical miles ang layo mula sa Scarborough (Panatag) shoal na kontrolado na ngayon ng China.

Ayon kay Balikatan 2015 chief of Staff Lt. Col. Doroteo Jose Jalandoni, mga tropa mula sa Marine Batallion Landing Team-4 (MBLT-4) ang sumabak sa nasabing amphibious landing exercises kasama ang nasa 600 miyembro ng US Marine Marines.

Itinanggi naman ni Jalandoni na walang kinalaman sa pagiging agresibo ng China ang nasabing joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at US.

Giit pa ni Jalandoni na hindi sila gumagawa ng joint exercises sa mga lugar na pinag-aagawan. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

Training ng US Armed Forces malaking tulong sa AFP

11 bata nalason sa bunga ng tuba-tuba

NILALAPATAN na ng lunas ang 11 bata matapos malason sa pagkain ng bunga ng halamang tuba-tuba sa Ondoy Village, Bgy. San Jose, Antipolo.

Ayon sa pahayag ng ina ng isa sa mga biktima, naglalaro ang mga bata nang magsuka ang mga ito at ininda ang pananakit ng tiyan.

Hindi umano alam ng ilang magulang na nakalalason ang bungang nakain ng mga batang may edad na 6 hanggang 12.

Dinala sa Rizal Provincial Hospital ang pito sa mga bata habang apat ang nasa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina.

Tumanggi naman munang magbigay ng pahayag ang mga ospital kaugnay ng pagkalason ng mga bata. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

11 bata nalason sa bunga ng tuba-tuba

P3-M wasak sa buhawi sa North Cotabato

UMAABOT sa mahigit P3 milyon ang naiwang pinsala makaraang manalasa ang buhawi sa North Cotabato.

Sa lungsod lamang ng Kidapawan City, partikular sa Sitio Calaocan, Barangay Paco, umabot sa pitong ektarya ng sagingan ang sinira ng malakas na hangin.

Ayon sa CDRRMC, halos maubos ang 10,000 puno ng saging nang manalasa ang buhawi sa lugar.

Samantala, higit P100,000 naman ang pinsala sa pananalasa ng buhawi sa bayan ng Kabacan matapos na wasakin ang 27 bahay sa Barangay Magatos.

Maging ang bayan ng M’lang ay nakapagtala rin ng pinsala nang 15 pamamahay doon ang sinira ng malakas na hangin.

Maging ang wooden grand stand ng M’lang Ementary School at Pathway ng M’lang National High School ay hindi rin pinalampas ng buhawi.

Habang sa bayan ng Alamada, aabot naman sa 30 kabahayan ang winasak din ng ipo-ipo. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

P3-M wasak sa buhawi sa North Cotabato

No-El sa 2016 malabo

GINARANTIYAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na hindi mauuwi sa no elections ang pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa kontrata ng Smartmatic.

Nagkakaisang bumoto ang lahat ng mahistrado ng Korte Suprema kontra sa P268 milyong kontrata para isaayos ang 82,000 units ng precinct count optical scan (PCOS) machines, na una nang ginamit sa nakalipas na automated elections.

Wala pa mang kopya ng desisyon ng Supreme Court (SC), na nasa Session Hall sa Baguio, tiniyak na ng Comelec sa pamamagitan ni Spokesperson James Jimenez na susunod sila sa kautusan.

Kailangang masuri anya nang mabuti kung maghahain pa ng apela lalo’t kakain pa ito ng oras gayong nalalapit na ang 2016 presidential elections.

Sa gitna ng mga pangamba ng posibleng no elections o hindi kaya’y pagbabalik ng manual polls, sinabi ni Jimenez: “‘yung no-el po, di mangyayari ‘yun kasi again kung talagang walang-wala na lahat, e puwedeng puwede tayong mag-manual ulit at mapaghandaan natin nang mabilis ‘yun.”

“Pero ‘yung manual, hindi din natin gustong mapunta du’n dahil sa tingin natin marami naman tayong options na puwedeng pasukin para di tayo bumalik ng manual.”

Detalye ni Jimenez, “nung nilabas ‘yung TRO (temporary restraining order) three weeks, four weeks ago, naglatag na tayo ng iba’t ibang options na puwede nating gawin so alam na natin kung ano ‘yung possibilities natin. So we’re finalizing those plans.”

Kabilang rito ang patuloy na bidding process na maaaring magresulta sa pagbili ng 33,000 machines para sa automated polls bukod sa iba pang alternatibo.

Ukol sa ipinatigil na Smartmatic-Comelec refurbishment deal sa mga PCOS machine, naniniwala si Jimenez na maaari pa rin itong ipa-bid.

Gayunpaman, ang sentrong isyu anya ay kung magaling ba ang gagawa lalo’t unang beses pa lang makikita ng magwawaging bidder ang mga makina kung magkataon. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

No-El sa 2016 malabo

Pinay sa death row, matatag

“HUWAG kayong mag-alala sa akin kasi alam ko may plano ang Panginoong Diyos sa ating lahat. Ito ang matatag na pahayag ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia.

Bagama’t nahaharap sa hatol na kamatayan, nananatiling matatag ang overseas Filipino worker (OFW) habang nasa kulungan ayon sa kapatid nito na si Marites.

Naniniwala si Marites na himala na lang ang makapagsasalba sa kapatid, na nakaambang pagsalang dito sa firing squad sa Biyernes.

Apat na araw nang nasa Jakarta si Marites at Conie Regalado ng Migrante, na tumutulong sa pangalawang judicial review na ihahain sa kaso ni Mary Jane.

Ang ina naman ni Mary Jane na si Celia Veloso, kahit nalulungkot ay hindi nawawalan ng pag-asa.

Una nang pinanindigan ni Indonesian President Joko Widodo ang batas nila laban sa pagpasok ng ilegal na droga. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

Pinay sa death row, matatag

Tulak timbog sa P2.5M shabu sa Quezon City

NASAKOTE ng mga awtoridad ang limang drug pushers kabilang na ang mag-asawa at tatlong bata sa Quezon City.

Umaabot sa kalahating kilo ng shabu ang nasamsam ng anti-illegal drugs ng Quezon police district kagabi sa bahagi ng Quirino Highway at Commonwealth Avenue.

Ayon kay QCPD P S/Supt. Joel P. Pagbilao, nagkakahalaga ng P2.5 million ang droga na nakuha sa buy bust operation sa isang Toyota Corolla (UHV 629).

Iginiit pa ni Pagbilao na dalawang linggo na nilang minamanmanan ang mga suspek na responsable sa pagtutulak ng droga sa Quezon City. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

Tulak timbog sa P2.5M shabu sa Quezon City

5 sasakyan nagsuwagan sa NLEX, driver utas

PATAY ang isang lalaki sa naganap na suwagan ng limang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) northbound bahagi ng Valenzuela, Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon sa pahayag ng mga driver na sangkot sa aksidente, unang tinumbok ng pampasaherong bus ang likuran ng closed van na bumangga naman sa isa pang bus at Elf truck na sumalpok din sa isang kotse.

Namatay ang driver ng closed van na si Eddie Omandac nang maipit sa loob ng sasakyan.

Katwiran ng bus driver na si Freddie Urbano, hindi kumagat ang preno niya kaya bumangga sa closed van. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

5 sasakyan nagsuwagan sa NLEX, driver utas

Presyo ng manok ibaba

BRINASO na ng Samahan ng Industriya at Agricultura (SINAG) ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry (DTI) upang maipatupad ang mababang presyo ng karne ng manok sa bansa.

Paliwanag ni SINAG president Engr. Rosendo So, posibleng maramdaman ng mga consumer ang mababang presyo ng karne ng manok sa susunod na linggo dahil ngayon pa lamang ay iniimplementa ang mababang farm gate price na umaabot sa P50 bawat kilo kaya maaaring umabot naman sa P110 ang presyo ng karne nito sa merkado.

Dagdag pa nito, kasama na rito ang tinatawag nilang transfer price tulad sa bayad sa taga-katay at transportasyon.

Nabatid na bumaba na ang presyo ng live weight ng manok tatlong linggo na ang nakararaan subalit hindi pa rin ito ramdam ng mga consumer. MARJORIE DACORO

.. Continue: Remate.ph (source)

Presyo ng manok ibaba