NANANATILING si Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang pinakamayaman sa mga kongresista.
Sa kabila ng napaulat na nabawasan ang kanyang yaman ng P400 milyon noong 2012 ay nasa P1.3 bilyon pa rin ang kanyang networth ng December 2013.
Nasa ikalawang pwesto pa rin si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, ina ni Senador Ferdinand Marcos, Jr at asawa ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na may net worth na P922 milyon.
Si House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. naman ay nasa pangatlong pwesto na pinakamayaman sa Kamara sa net worth nitong P819 milyon mula sa dating P817 milyon noong 2012.
Pang-apat naman sa pwesto sa pinakamayamang mambabatas si Negros Occidental Reps. Alfredo Benitez sa networth na P713 milyon at pang-lima si Julio Ledesma IV sa deklaradong networth na P617 milyon.
Pinakamahirap naman si Anakpawis Rep. Fernando Hicap sa may 289 na kongresista ng 16th Congress sa deklaradong networth nito na P37,722.
Apat pang kongresista ang nagdeklara ng ari-arian na hindi aabot sa P1 milyon.
Kabilang dito sina Abakada party-list Rep. Jonathan Dela Cruz (P550,000), Dinagat Islands Rep. Arlene Bag-ao (P598,012), Kalinga party-list Rep. Abigail Faye Ferriol (P636,980); at Kabataan party-list Rep. Terry Ridon (P900,000).
The post Pacquiao pinakamayamang kongresista pa rin appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment