Thursday, May 29, 2014

Tres Marias pinasususpinde kay PNoy

“SUSPENDIHIN muna ang tres marias at ibilang na rin sa mga iimbestigahan.”


Hamon ito ni Independwent Minority bloc leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez kay Pangulong Aquino matapos madawit ang tres marias na nasa Malakanyang ngayon sa pork barrel scam.


Kung kinakailangan ayon sa kongresista ay dapat isailalim na sa preventive suspension ang tres marias na ayon sa mga balita ay sina Rochelle Ahoro, Odette Ong at Mary Antoinette Lucile Ortile.


Ani pa ni Romualdez na hindi dapat makaligtas ang tres marias sa imbestigasyon kahit pa idinidepensa na ang mga ito ng ilang opisyal ng palasyo.


Pinasaringan din ng kongresista si Pangulong Aquino na kung magiging untouchable ang tres marias ay lalong lalabas na malaking media hype lamang ang daang matuwid ng administrasyon.


Samantala, pinuna naman ng minority bloc ang patuloy na pagdepensa ni Pangulong Aquino sa kanyang mga gabinete sa pamamagitan ng maagang paghuhusga sa affidavit ni Janet Lim-Napoles.


Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na malaking dagok sa panig ng gobyerno sa paghahabol ng hustisya sa mga sangkot sa pork barrel scam ang patuloy na pagdududa sa affidavit ni Napoles.


Ngayon pa lamang aniya ay tila binibigyan na ng pangulo ng argumento at lusot ang mga makakasuhan sa pork barrel scam dahil puwedeng gamitin ng mga ito ang salita niya sa korte.


Sinabi naman nina ACT Partylist Rep. Antonio Tinio at Gabriela Rep. Luz Ilagan na habang puro salita ang pangulo ay lumalabas lalo ang pagkakaroon ng double standard ng administrasyon nito.


The post Tres Marias pinasususpinde kay PNoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tres Marias pinasususpinde kay PNoy


No comments:

Post a Comment