Tuesday, May 27, 2014

Update: Lider ng mga holdaper, 7 tauhan todas sa engkuwentro sa Cavite

WALONG holdaper ang tumimbuwang makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga rumespondeng pulis habang isinasagawa ng mga kawatan ang kanilang panghoholdap sa Barangay Litlit, Silang, Cavite kaninang hapon, Mayo 27.


Alas-2:00 ng hapon kanina nang maganap ang sagupaan sa pagitan ng mga holdaper at pulis.


Bago ang insidente ay nabatid na nakatanggap ng tip ang pulisya na may titirahing hardware ang isang robbery hold-up group kaya nagtayo sila ng checkpoint.


Ngunit sa halip na sumuko ay nakipagbakbakan ang mga ito sa grupo ni Cavite Police Chief Joselito Esquivel Jr.


Kumpirmadong ang mga napatay ay pawang miyembro ng Alingaraw robbery hold-up group at kabilang sa mga napatay ay ang kanilang lider.


The post Update: Lider ng mga holdaper, 7 tauhan todas sa engkuwentro sa Cavite appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Update: Lider ng mga holdaper, 7 tauhan todas sa engkuwentro sa Cavite


No comments:

Post a Comment