Tuesday, May 27, 2014

2 NPA todas sa militar sa Samar

TODAS ang dalawang miyembro ng New People’s Army makaraang makasagupa ang miyembro ng Philippine Army 43rd Infantry Battalion sa Barangay Mahayag, Matuguinao, Samar.


Ayon kay Major Amado Gutierrez, spokesman ng 8th Infantry Division, nagkaroon ng engkuwentro ang government troops ang mga rebeldeng komunista kung saan narekober ng panig ng gobyerno ang isang M16 rifle, isang M16 “baby Armalite,” at isang M203 grenade launcher.


“The troops were conducting a peace and security operations when they were informed of the presence of the rebels,” ayon kay Gutierrez.


Tumagal ang labanan nang limang minuto habang wala namang nasugatan sa panig ng gobyerno.


“There are other rebels who were possibly injured, or even killed,” ayon kay Gutierrez. “So we will conduct a follow-up operation.”


Nabatid pa na tinatayang nasa 10 hanggang 20 rebelde ang nakalaban ng militar.


The post 2 NPA todas sa militar sa Samar appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 NPA todas sa militar sa Samar


No comments:

Post a Comment