Tuesday, May 27, 2014

PANANAKOT NI NAPOLES EPEKTIB?

baletodo SA halip na magdusa sa kulungan ang binansagan na pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles, heto at tila siya pa ang nasa opensa ngayon laban sa mga opisyal ng bansa at mga politiko.


Ibang-iba ang tono ni Ms. Napoles, ha. May parating. May panakot. At mukhang handa nang ilantad ang kanyang totoo na listahan ng mga kurakot na opisyal ng bayan sa ilalim ni pangulong Benigno Aquino III!


Isang halimbawa ay ang pagpayag ng Hukuman na manatili siya sa Ospital ng Makati (OSMAK) dahil dinurugo raw ang aleng tiwali. Nakatatawa pero nakasusuka ang dahilan para pumayag ang Hukom na stay put si Pokpork Janet sa ospital.


Dinugo raw ang aleng operada dahil posible raw nakipag-sex after operation? Hahahaha. Magkano kayang pondo ang umikot sa katarantaduhan na testimonya ni Dr. Efren Domingo? Tanggalan ng lisensya ito!


Dumarami na ang bala’t armas ni Napoles. Unang pumutok ay ‘yung pagsuko niya sa Malacañang na mismong si Pangulong Aquino pa ang nag-estima sa kanya habang nanananghalian sila. Sumunod ang bigayan ng P150 milyon huwag lang siyang hulihin ng DOJ-NBI.


Mas patok naman ang sumabog na baon sa utang na loob ang Liberal Party kay Napoles dahil sa ayuda nito na P100 milyon noong eleksyong 2010.


Iba pa riyan ang mga indibidwal na politiko na pawang kaalyado ni Noynoy Aquino.


Kaya naman, mismo si Aquino ay ikot ang puwit kung papaano itatrato ngayon si Napoles.


Naalala ninyo ‘yung sabi ni Aling Janet, “Sasabihin ko lahat basta kailangan state witness ako at immune sa lahat ng kaso!”


Tinanggihan siya ni Aquino pero ilang oras lang ay nagsalita uli si Napoles.


Sige, sasabihin ko na talaga ang lahat! Bigla, nakabibingi ang katahimikan mula sa Malacanang. Why oh why, Mr. Noy2?


Papaano kaya lulutasin ni Noynoy ang kaso ng pork barrel scam? Noong una, mga oposisyon lang ang pinagpipistahan nila, kakampi ang dalawang attack dog na media groups nila.


Kinasuhan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA) dahil doon daw kumita ng husto sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla mula sa P115 bilyon na GMA payola, 2007-2009.


Eh, ngayong taon lang na ito, umabot sa P361 bilyon ang payola niya sa LUGs kaya nagwawala si Magdalo Partylist Congressman Gary Alejano. Paano ninyo ipaliliwanang iyan?


No wonder, hindi lang isa kundi apat ang alas na hawak ni Janet Lim-Napoles kontra sa inyong rehimen. Kung paano ipagtatanggol ni Noynoy ang kanyang KKKKK, alam ni teacher Butch Abad ‘yan. Napoles?


The post PANANAKOT NI NAPOLES EPEKTIB? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PANANAKOT NI NAPOLES EPEKTIB?


No comments:

Post a Comment