Wednesday, May 28, 2014

Trak inararo ang barong-barong sa SLEx, mag-asawa sugatan

SUGATAN ang isang mag-asawa nang suyurin ng isang 10-wheeler truck ang dalawang barong-barong sa gilid ng South Luzon Expressway (SLEx) matapos mawalan ng preno at tumagilid kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.


Agad na isinugod ng mga rumespondeng SLEx Rescue Team sa Alabang Medical Center ang mag-asawang sina Rafael at Marina Estrella makaraang magtamo ng bahagyang mga sugat sa likurang bahagi ng katawan.


Ligtas at hindi naman nasugatan ang driver ng truck na si Mark Mendoza at pahinanteng si Jude Mahinay matapos tumagilid ang kanilang truck sa bahagi ng SLEx malapit sa Susana Height exit sa Barangay Poblacion alas-5:00 ng umaga.


Sa pahayag ng driver sa imbestigador ng Highway Patrol Group (HPG), galing sila sa Cabuyao at patungo sana sa kanilang bodega sa Masinag, Antipolo upang ilagak doon ang kahon-kahon na ketchup na kanilang karga nang mawalan ng preno ang trak na minamaneho.


Sa pagnanais ng driver na makaiwas na mabangga pa ang ibang mga sasakyan, iginilid niya ang trak subalit dumausdos sa pababang bahagi hanggang tumagilid at sinuyod ang dalawang barong-barong na malapit sa highway.


Nahaharap si Mendoza sa mga kasong reckless imprudence resulting to physical injuries at damage to property sa Muntinlupa city prosecutors office.


The post Trak inararo ang barong-barong sa SLEx, mag-asawa sugatan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Trak inararo ang barong-barong sa SLEx, mag-asawa sugatan


No comments:

Post a Comment