Wednesday, May 28, 2014

Pagso-sorry ni Napoles, binasura ng Malakanyang

BINASURA ng Malakanyang ang paghingi ng tawad ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles dahil sa mga nagawa nito sa pamahalaan.


Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na bilang isang tax payer ay hindi importante sa ngayon ang paghingi ng paumanhin ni Napoles dahil sa kanyang ginawang pangangamkam sa kaban ng bayan kundi ang importante ay ilahad nito ang buong katotohanan sa publiko.


“We have a right to know the truth and that is what this government is going to do—to do deep dives in the allegations, all these affidavits; not only of this one, but all those who have come forward to state what they know of the case, of the Napoles NGOs,” anito.


Ang Justice Department aniya ang titingin sa tinatawag na ultimate facts ng affidavit complaint at kung anong facts o katotohanan ang susuporta sa kaso.


“So, an apology is something that she chose to express in her affidavit, but that’s not an ultimate fact,” ani Sec. Lacierda.


The post Pagso-sorry ni Napoles, binasura ng Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagso-sorry ni Napoles, binasura ng Malakanyang


No comments:

Post a Comment