Wednesday, May 28, 2014

Gabineteng sangkot sa scam, ipinapa-lifestyle check

IPINASASAILALIM sa lifestyle check ang tatlong gabinete na nadadawit sa P10 bilyong pork barrel scam.


Ang hamon ngayon ng Makabayan bloc kay Pangulong Aquino, sa halip na depensahan niya ang mga gabinete ay ipa-lifestyle check niya ang mga ito at hindi lamang aniya ang mga kalaban sa politika.


Giit ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na kung talagang “tuwid na daan” ang administrasyon ay idamay din ang pagbubukas ng bank accounts kahit ng kanyang mga kaalyado upang mabatid kung may pumasok na deposito mula kay Janet Lim-Napoles o mula sa korporasyon nito.


“Ibig bang sabihin ni Pangulong Aquino kapag kaalyado niya o Liberal Party malinis tapos lahat na lang ng partido niya maliban sa partido niya o alyado niya madumi. Hindi ganoon ang nangyayari dito,” ani Colmenares.


Babala pa nito kay Pangulong Aquino, hindi na aniya natutuwa ang publiko sa ganitong ginagawa ng pangulo na sa imbestigasyon ng pork barrel scam ay may bahid ng “bias” laban sa oposisyon samantalang pinapaboran ang mga kaalyado.


Sinabi naman ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan na ang lifestyle check ay kailangan gawin nang walang pinipili at hindi iyong tatargetin ang nasa kabilang bakod lang ng administrasyon.


“Bias ka or discriminatory if you limit the lifestyle check on to those people who happened to be sitting in the opposite fence,”ayon kay Ilagan.


Patutsada pa ni Ilagan kay Pangulong Aquino na “if you are sincere doon sa ina-advocate mo na daang matuwid ka, dapat lahat na i-subject sas lifestyle check and then withhold a judgement at this time and let the process undertake its course.”


The post Gabineteng sangkot sa scam, ipinapa-lifestyle check appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gabineteng sangkot sa scam, ipinapa-lifestyle check


No comments:

Post a Comment