Tuesday, May 27, 2014

PBA Player Terrence Romeo na ex ni Vice Ganda, anti-gay o user?

NAG-DENY nga ang GlobalPort player sa PBA na si Terrence Romeo na naging boyfriend umano ni Vice Ganda na hindi niya account ‘yung FB ng taong naninira kay Vice. Pero matindi naman ang naging patama at pang-iinsultong ginawa nito kay Vice sa pinakawalan niyang salita sa social media at narito ‘yung post ng basketeer patungkol sa sinasabing ex gay lover. “Sana matapos na ‘yung isyu na ‘yan dahil paulit-ulit lang naman na hindi katotohanan! Isang multo ‘yan ng imahe ko na gusto ko ng mabura totally.”


Ganoon pala, isang multo si Vice na gusto na niyang mabura? Ibig-sabihin may connect siya sa sikat na gay comedian host. Dahil kung wala ay hindi dapat ganyan ang kanyang magiging reaction sa isyu. Saka wala siyang respeto sa Gay Icon ng Phillipine local showbiz. Bakit ano ba ang tingin ng Terrence na ito sa kanyang sarili? Isa siyang Adonis na dapat ay habul-habulin at bigyan ng atensyon ng lahat? Saka may pagka-anti-gay ang dating niya kaya turn-off sa kanya ang mga LGBT.


At kung totoong nagkaroon nga sila ng “something” ni Vice, magpasalamat siya dahil maliban na sa generous at very famous ang bading ay matagal siyang prinotektahan nito sa publiko. Saka bakit bago pa ba ang pagpatol na ‘yan ng kagaya niyang basketball player sa bakla? Kung sina Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa at James Yap nga ay pare-parehong naugnay rin noon sa mga rich gays, bakit ngayong siya (Terrence) ang inili-link kay Vice ay parang sukang-suka kuno?


Naku! Terrence super bad ‘yang ginagawa mo dahil kung totoong naging kayo talaga ni Vice, ibig-sabihin ginamit mo lang siya. I hope na matapos mong lait-laitin si Vice ay magkaroon ka pa ng career sa basketball.


By the way, kahit na sinasaktan at dinurog na siya ni Terrence ay ayaw pa ring sumagot ni Vice sa mga akusasyon nito sa kanya. “Whatever they have to say about me, kung anoman ang gusto nilang iparating sa akin nasa kanila ‘yun. Kung masakit man, eh, ‘di ako na lang ang masasaktan. Hindi ko na kailangang mag-react,” say pa ni Vice. Sana’y makonsensya naman ang lalaking nagbigay ng heartache kay Vice.


‘Yun lang gyud!


MAYBE THIS TIME PALABAS NA SA 157 THEATERS NATIONWIDE


SUPPOSEDLY ay sa 137 theaters lang nationwide ipalalabas ang Maybe This Time nina Coco Martin at Sarah Geronimo pero dahil sa magagandang feedbacks at sobrang ingay ng pelikula para ma-accomodate ang lahat ng fans ay nagdagdag na ng sinehan ang mga bookers.


Kaya starting today, May 28, ay inyo ng mapapanood sa 157 Cinemas ang nasabing biggest romantic movie this year na handog ng Star Cinema at Viva Films. Yes, worth watching ang bagong film nina Coco at ng Box Office Queen na si Sarah at wala ka nang hahanapin pa sa movie dahil lahat na nang gusto niyong mapanood especially ‘yung kilig scenes ay itinodo na ng dalawa rito. Maliban sa “remarkable lines” nina Tonio (Coco) at TepTep (Sarah), kaabang-abang din ang eksenang sumasayaw si Coco, ang flashback ng nakaraan nila ni TepTep at kung bakit nakapag-dialogue ang dalaga kay Tonio ng “There was never an us. There will never been us!” at ‘Please lang, huwag mo na akong landiin!’ At kung bakit nasambit rin ng binata ang ‘There was never an us,’ na very cute ang pagkaka-deliver ni Coco. ‘Yung pagtataray ni Monica (Ruffa Gutierrez) sa movie kay TepTep kung saan sinabihan niya ito nang, “Don’t even try to compete with me! You lying, backstabbing boyfriend grabbing witch,” na hindi rin siya inurungan ng palabang si Sarah. At sa tindi ng arrive ng movie ay hindi lang ang mga Kapamilya stars ang humahanga sa obra ni direk Jerry Lopez Sineneng. Maging ang comedian singer songwriter na si Ogie Alcasid ay nagpahayag rin sa kanyang Twitter account ng positive comment about the film at narito ang kanyang post. “I caught the trailer of Coco Martin and Sarah Geronimo new film. SIMPLY BEAUTIFUL! Congrats in advance!”


By the way, libo-libong fans ang sumuporta sa premiere night kagabi sa SM Megamall Cinema. Kung saan parehong napuno ang pinagtanghalang nitong Cinema 7 and 8. Dumalo ang buong cast at mga top executive ng Star Cinema. Kasama rin sa movie sina Ogie Diaz, Dennis Padilla, Marlann Flores, Zeppi Borromeo, Garlic Garcia, Minnie Aguilar, Boboy Garovillo at Sharmaine Buencamino.


The post PBA Player Terrence Romeo na ex ni Vice Ganda, anti-gay o user? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PBA Player Terrence Romeo na ex ni Vice Ganda, anti-gay o user?


No comments:

Post a Comment