HANEP ang magiging pilot episode ng dance show ni Marian Rivera na Marian dahil ang Star For All Season na si Vilma Santos at ang Diamond Star na si Maricel Soriano ang guest. Magsisimula na ang taping niya sa May 30 sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio. Ipalalabas raw ito tuwing Linggo nang gabi.
“Sayang nga si Ms. Alma Moreno dahil may sakit daw. Meron pa namang pagkakataon para i-guest kung pupuwede siya. Silang tatlo kasi ang kinu-consinder sa pilot dahil magko-concentrate sa mga sayaw nina Ate Vi, Ms. Maricel. Ayaw naman naming sabihing throwback dahil meron kaming enhancement. Hindi ibig-sabihin na kung anong sayaw nila, ‘yun na ‘yun. May ibang steps pa rin na gagawin,” sey niya sa pictorial ng kanyang bagong show na kung saan ay nag-shoot din siya ng konting sayaw para sa teaser at plug.
Ginaya ba ang Marian sa dating show na Vilma? Tribute ba ito sa mga shows na sumikat nu’ng 80′s?
“Actually, ayaw ko namang sabihing ginaya pero isa ‘yun sa mga pangarap ko at inspirasyon sa show na ito. At wala namang makatatalo talaga nu’ng mga sayaw na ‘yun,” tugon niya.
Magta-tanga rin ba siya?
“Tingnan natin. Depende sa konsepto,” sagot niya.
Aminado si Yan na isa sa pangarap niya ay magkaroon ng ganitong klaseng show.
“Gusto ko talaga siya. Nu’ng sabihin sa akin ito, isa ito sa mga pangarap ko na tinupad ng GMA,” aniya.
Bagama’t hindi guest ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa pilot, open naman siya na sumayaw sila sa show. Pareho namang pumapayag ang dalawa na mag-dirty dancing sa Marian.
“Magandang suggestion ‘yan,” sey pa ng Primetime Queen.
May segment din sa show ni Yan na Top 3 na kung saan ay dun regular na mapapanood si Julie Anne San Jose. Co-host naman ni Yan si Paolo Ballesteros. Personal choice ba ni Marian si Paolo na maging co-host?
“‘Yung iniiisip ko, iniiisip nila. Nagkataon talaga. Nu’ng sabihin sa akin, oo naman. Si Paolo, isa sa pinakapaborito kong artista dahil nakasama ko siya sa Tadyang? Matagal kaming nagkasama niyan. From there, hindi nawala ang communication namin at inaanak ko ‘yung anak niya,” sey pa niya.
Sa isang linggo, dalawang araw ang rehearsal niya bago mag-run. Nakapapagod ang gagawin niya pero excited siya. Handa na ba siyang mabalian, matapilok?
“Huwag mo namang ipanalangin. Well, eto ang tinatawag na buwis-buhay, oo naman,” aniya.
After daw ng ‘Eat Bulaga’ niya ay ‘run siya magre-rehearsal. Paninindigan na rin niya ang pamimigay ng relo sa Eat Bulaga. Three times a week daw siyang mapapapanood sa naturang show na kung saan ay sumasama siya sa Juan For All.
“Totoo namili na ako ng relo, hindi na wall clock. ‘Yung wall clock, pang-comedy lang para masaya lang,” sey pa niya.
Masaya raw siya sa exposure niya sa Eat Bulaga na nasa labas.
“To be honest talaga, marami ang nagtatanong sa akin, bakit pinipili mo sa labas? Hindi sa studio na malamig. To be honest talaga, ako talaga ang may choice na gusto ko talaga sa labas. Kasi, una sa lahat, iba ‘yung nararanasan mo na nakikita lang sa TV. Dun mo maa-appreciate kung anong buhay meron ka. ‘Run ka magiging thankful kung ano ang ibinigay talaga sa’yo ng Diyos kasi actual mong nakikita. Alam mo ‘yun ‘pag nagbibigay ka, ‘yung mga tao hindi mo naman puwedeng i-acting ‘yun, e! Live kung ano ang nararamdaman nila. Ibig-sabihin, totoo,” deklara pa niya.
Paano na ang “chorvahan” nila ni Dingdong Dantes ngayong pareho silang busy. Si Dong ay merong serye na Ang Dalawang Mrs. Real, samantalang siya ay may dance show at Eat Bulaga?
“Ano’ng chorva? Liwanagin mo ‘yung “chorva” dahil maraming meaning,” tugon niya.
Dates?
“Para-paraan. Actually, dito magkikita kami. Diyan lang siya sa kabila, e! Sulyap lang, hi! ‘Yun na ‘yun,” aniya na puwede rin pala siya sa quickie.
Tsuk!
The post Amenable rin sa quickie! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment