KUNG husay ng pag-arte ang pag-uusapan, there’s no doubt the personality I’m going to expound on happens to be one of the most talented actresses in the country today. The years, to be honest about it, have all the more honed her fabled acting virtuousity.
‘Yun nga lang, hindi pa rin nagbabago ang kanyang topak sa ulo at umaatikabo pa rin ang ilusyon at hindi ba atupagin ang pag-aayos sa kanyang sarili para naman siya nagmumukhang timang side by side with her very young and appealing co-star.
Hahahahahahahahahahahahaha!
Bago ka mag-ilusyon, magpa-lipo ka muna para mabawasan ang namumutok mong tiyanetch na baka kapag hindi mo inayos, there’s a great possibility that you’re bound to follow the ignominious footsteps of Bubonika, the rat-faced matrona, who’s ignominiously potbellied and old before her time.
Harharharharharharharharhar!
Yuck!
Mag-diet ka, ning, para hindi mga roles na chaka ang sa ‘yo’y napupunta.
Kung si Eugene Domingo ay nagawang magpapayat, why can’t you?
Kung mananatili kasing matronly ang iyong pangangatawan, ano na lang ba ang mga roles na sa ‘yo’y mapupunta, aber?
Pala-palagi na lang bang old maid or may edad na napangasawa ng mas batang ombre?
Napaka-limitting naman yata n’un, ate.
Kaya kung gusto mong maging bonggacious ang iyong simula sa network na sa iyo’y nagpala, take dieting seriously at huwag kang balat sibuyas, ano?
Kung nasusukat kang mataba at matronly, why don’t you take dieting seriously?
‘Yun lang!
BAGONG AFTERNOON STRIP AT LATE-NIGHT BLOCK NG GMA NETWORK, BONGGA!
NAGSIMULA last Monday, Mayo 26, inihatid ng GMA News and Public Affairs ang mas pinainit at pinakabagong afternoon strip at late-night block tampok ang mga de kalibreng programa at world-class na mga dokumentaryo.
Tampok tuwing alas-4 ng hapon ang Alisto, Tunay na Buhay, Powerhouse at Reporter’s Notebook simula Lunes hanggang Huwebes.
Sisimulan ng Alisto tuwing Lunes ang pinakabagong afternoon line-up. Pinangungunahan ni Arnold Clavio, tampok sa Alisto last Monday, ang bagong modus ng Akyat Bahay Gang at mga high-tech na paraan para makapanlamang sa ATM machine.
Samahan naman si Rhea Santos na kilalanin ang kuwento ng mga tao sa Tunay na Buhay tuwing Martes ng hapon.
Mas maaga namang mapanonood simula Mayo 28 ang lifestyle program na Powerhouse.
Kasama si Kara David, silipin ang buhay at bahay ng Kapuso aktres na si Jennylyn Mercado kung saan ikukuwento niya ang kanyang mga napagdaan sa loob ng sampung taon sa showbiz, ang mamahaling koleksyon niya ng relo at bike pati na rin ang pagkahilig niya sa triathlon.
Patuloy naman na magsisiyasat sa mga isyu ng lipunan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong timeslot tuwing Huwebes ng hapon sa pangunguna nina Jiggy Manicad at Maki Pulido.
Ngayong Mayo 29, babantayan ng Reporter’s Notebook ang mga kuwento ng mga mahihirap na Pilipino na naghihintay na malapatan ng lunas sa mga pampublikong ospital. Isa sa kanila ang isang lalaki na may cancer na napilitang linisin ang kanyang sariling sugat sa labas ng isang emergency room.
Mga de kalidad na dokumentaryo kabilang na ang award-winning program na Front Row, ang Serial Killer Earth ng History Channel at ang Human Planet ng BBC ang matutunghayan tuwing 11:30 ng gabi simula ngayong Lunes.
Kilala bilang isang mahusay na aktres si Heart Evangelista, pero hindi alam ng marami na sa totoong buhay na si Love Marie Ongpauco – tunay na pangalan ng aktres – ay isang budding artist na nagkaroon ng painting exhibit sa Ayala Museum kamakailan. Napanood last Monday ang “I Am Love Marie,” isang dokumentaryong handog ng Front Row.
Nagsimula naman last Tuesday ang Serial Killer Earth, isang dokumentaryong hatid ng isang grupo ng mga eksperto na susuri sa mga ‘di-pangkaraniwang footage mula sa mga balita at mga home video tungkol sa mga kalamidad. May mga panayam rin mula sa ilang mga saksi para maipaliwanag at maunawaan ng mga manonood ang mga tunay na pangyayari.
Kasama si Kara David, patuloy naman bubuksan ng Human Planet ang kamalayan ng mga manonood tungkol sa kapaligiran sa bago nitong timeslot tuwing Miyerkules at Huwebes. Tatalakayin ng nagungunang natural history series ng BBC ang maganda ngunit komplikadong relasyon sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan.
MASWERTE SI COCO MARTIN!
SOME people are indeed born lucky. Perfect example itong si Coco Martin na tipong good vibes ang dating ng Maybe This Time nila ni Ms. Sarah Geronimo.
Imagine, magaling na direktor na nga si Jerry Sineneng, hayan at palihim na inaayudahan pa siya ng mga direktor ng ABS-CBN na nagbibigay ng suggestions, on the sly, on how to make the movie all the more interesting and worth watching.
Ang maganda kasi kay Coco ay napaka-humble nitong tao at hindi intimidating ang dating ng kanyang personalidad. Big star na nga siyang naturingan pero never siyang nagmaangas at lagi na’y sumusunod sa kagustuhan ng kanyang manager na si Mother Biboy Arboleda.
Ang ending, good karma pala-palagi kaya nananatiling unkabogable ang kanilang soap ni Kim Chiu na Ikaw Lamang.
Well, bagama’t apprehensive ang kanyang mother earth na si Mother Biboy, I strongly believe that he doesn’t have anything to get worried about since napaka-positibo ng dating ng Maybe This Time nina Sarah G. at Coco.
Panoorin po natin on May 28 in some 157 cinemas all over the country ang pelikulang co-prod bale ng Viva fils at Star Cinema.
LOVI POE, NAPAKA-POSITIBO NG AURA!
SA presscon ng GMA soap na Ang Dalawang Mrs. Real, cool na cool ang dating ni Lovi Poe at never siyang nagmaganda o humingi ng VIP treatment kahit na silang dalawa ni Maricel Soriano ang lead actresses ng soap na ‘to.
Basing from the trailer that was presented to the press, kwela ang role ni Lovi at hindi talaga nagpakabog sa intense na ‘spinsterish’ role ni Maricel.
Bongga rin ang projection ni Dingdong sa soap na ‘to kaya nakasisiguro kaming it’s going to be a huge hit.
***
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
The post Nagbabalik pero nagmamaldita pa rin! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment