Wednesday, May 28, 2014

Pot session nabulabog, mga shabu nasamsam sa pitaka

NAKATUNOG ang mga tumitira ng shabu dahilan upang makatakas habang naiwan ang mga shabu na nakalagay sa coin purse sa pagsalakay ng mga pulis sa Valenzuela City, Martes ng gabi, Mayo 27.


Sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang makatanggap ng tip ang mga pulis na nagkakaroon ng pot session sa bahay ng isang alyas “Jane” sa Tamaraw Hills, Marulas ng lungsod.


Nang salakayin ng mga pulis ay nakatunog ang mga bumabatak at nagpulasan at tanging coin purse na lang na naglalaman ng 10 pirasong sachet ng shabu ang nakuha.


Inaalam na ng mga pulis ang tunay na pagkakakilanlan ni Jane upang masampahan ng kaso kahit nakapuga pa ito.


The post Pot session nabulabog, mga shabu nasamsam sa pitaka appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pot session nabulabog, mga shabu nasamsam sa pitaka


No comments:

Post a Comment