ITINUMBA ng isang hired killer ang barangay chairman ng Batangas town nitong Martes ng gabi, Mayo 28.
Isinugod sa Metro Lemery Medical Center pero namatay din sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Bernardo Buño, 57, tserman ng Barangay chairman ng Puting Bato West, Calaca, Batangas.
Aminado naman si Senior Inspector Jose Naparato, hepe ng Calaca PNP, na wala silang ideya hinggil sa motibo ng pamamaril pero tiniyak na ang may gawa ng krimen ay estilo ng hired killer.
Sa ulat, naganap ang insidentre alas-8:15 p.m. sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Ayon sa pamilya Buño, bago ang insidente ay nasa balkonahe ang biktima at may kausap sa kanyang cellphone.
Pero maya-maya lamang, sumulpot ang salarin saka pinagbabaril ang biktima.
Bagama’t sugatan, nakatakbo pa rin sa loob ng kanyang bahay ang biktima pero hinabol pa rin ng suspek saka tinapos.
Tumakas ang suspek lulan ng itim na motorsiklo.
Narekober ng pulisya ang pitong basyo ng bala sa loob ng bahay ng kapitan.
The post Tserman sa Batangas, utas sa hired killer appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment