Tuesday, May 27, 2014

Napoles sinungaling – Butch Abad

MARIING tinawag ni Budget Secretary Florencio Butch Abad si Janet Lim Napoles na sinungaling makaraang sabihin nito na siya ang nagturo rito kung paano gamitin ang bilyun-bilyong pisong pondo mula sa pork barrel fund.


Ayon kay Abad, nakalulungkot dahil sinasayang ni Napoles ang pagkakataon sa talamak na pagsisinungaling sa halip na ilantad ang katotohanan sa likod ng nasabing anomalya.


Sinabi pa ng kalihim na malinaw na walang silbi para kay Napoles ang interes ng taumbayan dahil sa patuloy nitong pagsisinungaling sa bayan at ang pagtuturo nito sa mga tao na wala namang basehan.


Kasunod nito, itinanggi rin ni Abad na kinumisyon niya si Manuel Jarmin bilang kanyang ahente kay Napoles nang siya’y miyembro pa ng kamara upang kumubra ng kickback mula sa kanyang PDAF allocations sa Napoles NGOs.


The post Napoles sinungaling – Butch Abad appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Napoles sinungaling – Butch Abad


No comments:

Post a Comment