INILUNSAD na ng pulisya sa Nasipit, Agusan del Norte ang manhunt sa dalawang binata at isang menor-de-edad na lalaki na responsable sa pag-gang rape sa 17-anyos na dalagita sa harapan mismo ng binubugbog na boyfriend.
Ayon kay Boyet Estrella, tiyuhin ng 18-anyos na lalaking binugbog, pumasyal ang kanyang pamangkin kasama ang girlfriend nito sa dalampasigan ng New Boracay, sakop ng Bgy. 2, alas-6:30 kagabi.
Bigla na lang hinablot ng dalawang binata ang dalagitang itinago sa pangalang “Inday” at binugbog ang nobyo nito, sabay tali sa kanyang mga kamay at ipinasok ang brief nito sa kanyang bibig.
Dito na halinhinang ginahasa ng dalawa ang biktima na nagsisilbing lookout nila ang 16-anyos na binatilyo.
Nang ‘di pa makontento, dinala pa ng mga suspek sa kanilang pagtakas ang lahat ng gamit ng magkasintahan pati na ang kanilang mga saplot at itinira na lamang sa kanila ang underwear na ipinasok nga sa bibig ng lalaki habang punit-punit naman ang naiwan sa dalagita.
The post Dalagita ginahasa ng 3 sa harap ng BF appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment