PATULOY pa rin ang gibaan sa Bureau of Customs (BoC).
Ito ang hindi mapasusungalingang katotohanan dahil tuloy pa rin ang “kanaan” nina Depcom Ariel Nepomuceno at Depcom Jesse Dellosa.
Maging ang bataan daw nitong dalawa ay patuloy ang iringan kaya grabe raw ang bantayan ng magkabilang panig.
Kung tumahimik man daw ang sitwasyon ngayon sa pagitan nina Nepomuceno at Dellosa, ito ay pagtalima lang sa utos ng nasa Malakanyang dahil kakaiba raw ang posibleng maganap sakaling hindi nila tigilan ang kanilang iringan, lalo na sa media.
Nagalit daw ang Malakanyang dahil lalong bumabaho ang imahe ng BoC sa publiko kaya binigyan ng ultimatum ang magkabilang panig.
Sa usapin naman ng kitaan ay patuloy rin itong nagaganap sa BoC at ito ay sa anyo ng kakaibang diskarte.
Grabe raw ang mga bataan nina Dellosa at Nepomuceno sa hanapan ng pitsa kaya tama lamang ang sinasabi ni Customs Commisioner Sunny Sevilla na nagpapatuloy pa rin ang iligal na kalakaran sa kanyang tanggapan.
Pero kakaiba raw ang nangyayari sa balwarte ng isa sa mga deputy commissioner na ating tinukoy dahil mismong mga bataan daw nito ay nagkakairingan dahil sa usapin ng kitaan.
‘Yan ang ating susubaybayan dahil talaga namang kakaiba ito dahil grabe raw ang plastikan ng mga kolokoy gayong kanya-kanya namang itong sipsipan sa kanilang amo na isa ring tauhan ng dating Pangulo.
The post GIYERA SA BOC PATULOY appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment